Blog ng Ambisyosong Manunulat...

Total Pageviews

Wednesday, March 14, 2012

Trabaho

                     Ash Shafa, As Sail Sageer, As Sail Kabeer

Trabaho

Buong maghapon sa mainit man o sa malamig na panahon

Tuloy ang kayod kalabaw o ni sa malaharing utos pagsunod

yan ay para maganap ang kalahatan ng sa buhay nilalayon

na katalinuhan at biyayang hatid niyang oras ay nakatuon

Lubos na nakatutok ang pusot isipan at ang buong hinagap

para sa tagumpay na sa lahat ay siya lamang hinahangad

sa pagtyatyagang magiging sa buhay matibay na sandigan

para sa pag angat ng buhay na dati lang isang pangarap.



Madiskarti

Sa lahat ng ginagawa ang matuto ang nais palagi

Sa mahirap man o madali ay walang tinatangi

San man mapunta ay walang siyang ni pinipili

Ganyan ang PILIPINO, Iyan isang Madiskarti.

No comments:

Post a Comment