Blog ng Ambisyosong Manunulat...

Total Pageviews

Sunday, March 4, 2012

Demonyo

may paiyak iyak ka pa, satanas ng impyerno
ang iyong balatkayo ay lumitaw na oh loko loko
isa kang dakilang gago, santong demonyo
ang kamandag mo ay nangagsikalat na sa mundo

isa kang kahanga hanga sa bisyong panlilinlang
sa masasama mong mga gawa idolo ng kalahatan 
ang maskara mo nga ay ibulgar na ng tuluyan
ilabas ang tunay na pakay at matingkad na kulay

sige magtagumpay ka mang ni minsan sa buhay
ang kaligayahan mo ay sige hanggang diyan lamang
dahil ang parusa sa iyo ay pang walang hangganan
parusa na kahirapang wala ni manlang katapusan

multong bakla, tikbalang na mapagsamantala
mang gagamit na tyanak, oh napakasama linta
bulating inuuod na, uod na binubulati pa
sana mawala ka na lang, maglaho parang bola
oh aswang, ang matakot sa iyoy wala saking gawa
kaya magbalik kana sa ilalim ng iyong lungga
lamang lupa, isa kang salot, wag nang mandamay pa
kung may binabalak ka pa, wag nang ituloy o sumpa

oh lumayas ka, sa daigdig na ito di ka kailangan
baka may mahawa ka pang, mas grabeng mga nilalang
tama na ang mayron kang, dapat puksain at apakan
duruging tuluyan ng wala ng bakas ni man lamang

demonyo, nangagkalat na isang uri masamang espiritu
wala kang pinag iba sa mapaglinlang na diyablo
magsama kayong mamatay, ng satanas ng inaamo
wag nang mangagkalat ang lahi mo sa mundong ito
na kahit sa kapangyarihan mong maminsala sa tao
sa dakilang maylikha ikay durog ng buong buo

Note: Ang demonyo ay isang uri ng masamang espiritu. 
Binabaybay din itong dimonyo, at tinatawag ding diyablo. 
Naglilingkod ang nilalang na ito para kay Satanas. 
May kakayahan itong pinsalain o saktan, impluwensiyahan,
 kontrolin o magkaroon ng kapangyarihan sa isa o 
maraming mga tao. Subalit, sabi nga sa Bibliya,
 mas makapangyarihan si Hesus kaysa demonyo.

Ang Lusiper ay isang pangalang kalimitang ibinibigay 
kay Satanas sa pananampalatayang Kristiyano dahil sa 
isang partikular na paliwanag at pagkakaunawang nabanggit
 sa Aklat ng Isaiah ng Bibliya. Sa mas tuwirang pagtukoy,
 sinasabing ito ang dating pangalan ni Satanas bago 
palayasin mula sa kaharian ng langit. Naging 
singkahulugan din ito ng demonyo at diyablo. 
Nangangahulugan ang mismong pangalang Satanas ng 
katunggali o adbersaryo.

Sa tradisyon

Si Satanas, o Lusiper, ang kalaban ng Diyos na may nais 
na wasakin ang lahat ng mga nilikha ng Diyos. Tinatawag 
din si Satanas bilang ang "isang masama", ang "prinsipe 
ng mundong ito" (ng lupa o daigdig na kinaroroonan ng tao), 
at bilang "ang diyos ng kapanahunang ito". Siya ang nagdala 
ng kasamaan sa mundo at nilarawan bilang isang "sinungaling, 
mapangwasak, at mapanlusob" ng mga tao ng Diyos.
[baguhin]Satan sa Bagong Tipan
Sa Lukas 10:18, bilang pagtukoy sa Isaiah 14:12, isang 
itong pahiwatig na sumasagisag kay Satanas, na bumagsak
 sa anyo ng isang lintik (o kidlat) mula sa kalangitan.
Kaugnay kay Hesus, dumating si Hesus sa mundo upang muling
 baguhin ang mga ginuho ni Satanas. Sinubok ni Satanas na 
pigilan si Hesus ngunit, dahil sa si Hesus ang Anak ng Diyos,
 naging mas makapangyarihan si Hesus kaysa kay Satanas. 
Bilang pangaral sa Kristiyanismo, matatanggihan at maiiwasan
 ng mga tagasunod ni Hesus si Satanas sa pamamagitan ng 
paghiling sa kapangyarihan ni Hesus at ng Diyos. 
Darating ang araw na lubos na magtatagumpay ang Diyos 
sa ibabaw ni Satanas.

No comments:

Post a Comment