Relihiyon (punto)
Sino nga bang papaniwalaang, siyang maghahatid ng kaligtasan
sa aking espiritu ay, magtuturo kung saan ang tuwid na daan
marami sa mga nariyan nagsasabing ang pinili ay sila raw
nakakalito lahat naman ay nag aangking, hatid nila ay katotohan
iyong iba nga sa mga iyan ay may maraming mga myembro
itinayo ng kanilang minestro ngayon ay isa nang milyonaryo
ang yabang pa oh sila daw ang totoo, totoo kya ano sa palagay nyo
sandamakmak naman nang mga kasapi nito, may mga sungay, o demonyo
nariyan naman si Juan, oh dinadaan daan sa balitaktakan
puro lang sa daldalan, nagkakasiraan pa ng kinasasapian
nasa telebisyon pa oh nagpapatamaan at sa mga baho bulgaran
iyo nalang husgahan, sila ba ang marapat na mga tularan?
tama daw ang turo, sa aklat ng diyos daw ang pagkabanalan nito
oh kahanga hanga kung pagmasdan, tila isang santo o kakaidolo
pero parang may mali, bat sa pamilya ayon ay nangagkaloko
bakit sa sariling pamilya oh, di masunod ang sinasabi sa tao
mayron iba pa riyan huling huli sa akto bibig ay mabaho
sangkatirbang mura, masabi lang na ang grupo ay nasa sa tino
iyan ba ang dapat tularan, nasa loob ang kulo, santong demonyo
propetang mapaglinlang, sigurado diretso sa umaapoy na impyerno
meron naman nariyan kung manalangin, sobra sobra sa kota
kung susumahin lampas na sa langit siguro kung mamatay mapunta
kung husgahan naman sa gawa, isa palang impakta o masama
mapaglaro, manloloko, ito'y turo nga ba na natutunan ay sa tama
iyong iba pa nga ayun sandamakmak, mga koleksyon ng rebolto
hinahalik halikan pa, ano ka reaksyon kung gumalaw ito ay paano
imaheng gawa ng kung sino sinong mga tao, oh totoo kaya ito
santo oh espirito, diyos ba ay may imaheng nakakwadro
ayun dami dami pang bawal, di daw pwede oh gumawa ng kasamaan
ayun sabi naman ng myembro masarap daw gawin ang pinagbabawal
kada linggo naman ay present sa malapalasyong simbahan
na may kasamang pasilip silip iba pang pakay sa kadalagahan
lugar ng sambahan, ngayon ay nalalagyan na ng ibang kulay
lugar ng pananampalaya, nagiging lugar ng lampungan
iyan lang ba ay bahagi ng samahang para sa pangkalahatan
oh pang aabuso... ng di man bahagi ng turo na katotohanan
masasabi ko lamang, mag ingat sa pagpili ng relihiyong sasamahan
sa panahon ngayon, ang mapaglinlang ay nangagkalat lamang
di naman sa grupo ang maghahatid sa iyo ng asam na kaligtasan
nasa relasyong personal sa poong diyos oh iniibig minamahal
Note:
Pananampalataya
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang pananampalataya[1], o relihiyon ay karaniwang nangangahulugan sa paniniwala sa Diyos o pakikipag-ugnayan sa mga bagay o nilalang na di nakikita na kadalasa'y itinuturing na banal at nagreresulta sa pagsamba, pagdasal at mga ritwal. Ilan sa mga pananampalataya na may maraming mga tagasunod ay ang Kristyanismo, Islam, Hudaismo, Shintoismo, Buddhismo, Hinduismo, Sikhismo at Soroastrianismo. Nagmula ang salitang relihiyon (Kastila: religion, Ingles: religion) mula sa Latin na nangangahulugang "muling bigkisin" o "muling pagbugkusin".[2]
Ang pananampalataya ay isang anyo o uri ng mataas na pagtitiwala sa kabanalan ng isang persona dahil na rin sa uri ng diwa ng salitang narinig o nabasa na nagmula sa mga kasulatang banal.
Binibigyang kahulugan din ang pananampalataya - na katumbas ng pagtitiwala, pananalig, at paniniwala - bilang kalagayan o katayuan ng pagkakaroon ng katiyakan sa mga bagay na inaasahang makakamit (may pag-asa) bagaman hindi nakikita ang mga bagay na ito. Sa Kristiyanismo, sinasabing nangangahulugan ng pagtitiwala ang pagkakaroon ng pananampalataya kay Hesus, kasama dito ang paniniwala sa kung ano sinasabi ng Bibliya hinggil kay Hesus.[3]
Nag-ugat ang salitang pananampalataya mula sa sampalataya, na sinasabi namang nagbuhat sa wikang Sanskrit na sampratraya.[1] Tinatawag na kapanalig (magkapanalig, katumbas ng magkapananampalataya) ang mga taong may magkakatulad na pananalig o pananampalataya.[1]
[baguhin]Mga Pananampalataya
Mga Relihiyong Abramiko ay ang pananampalataya sa Diyos ni Abraham, ang mga relihiyon sa ilalim ng kategoryang ito'y naniniwala sa parehong Hudyong Propeta na si Abraham at gumagamit sila ng parehong libro na ang Torah.
Hudaismo ang relihiyon kung saan sila'y naniniwala lamang sa mga Propeta ng Torah, sila'y dumedepende sa ilalim ng patnunubay ng mga Rabbi. Ito'y pinapraktis ng mga Jewish, isang katutubong grupo na basi sa Israel pero'y dahil sa sila'y nagrami sa abayong dagat.
Kristyanismo ay sentro sa Buhay at ang mga aral na tinuro ni Hesukristo, sila'y naniniwala na si Hesukristo ay ang Diyos Anak. Naging marami ang Kristyano noong pagcolonize ng mga Europeo sa mga ibang bansa. Gayun pa man ang Kristiyanismo ay hati sa tatlo; Katolisismo, Protestantismo at Ortodoksiya (Ito'y hati rin sa Dalawa, Silangang Ortodoksiya o Oriental na Ortodoksiya at Kanluraning Ortodoksiya.
Islam tinutukoy ang relihiyon nasimulan at naturo ang Muslim na Propeta na si Muhammad. Ang Islam ay dominante sa Hilagang Aprika, Timog Asya at Gitnang Silangan. Katulad ng Kristyanismo ang Islam ay hati sa mga maraming grupo ng mga tradisyon na kaladsa'y tinutukoy na Shia at Sunni.
Pananampalatayang Bah?'? ay isang relihiyon na tinatanggap ang lahat ng mga propeta galing sa Hudaismo, Kristyanismo at Islam, at mayroong rin mga dinagdag na mga propeta katulad ng kanilang Founder na si Bah?'u'll?h.
Mayroong mga maliliit na mga grupo nasa ilalim ng Abramiko katulad ng Rastafari, Mandaeismo, atbp.
Mga Relihiyong Indyano ay sinimulan sa Subcontinent ng Indya. Ang mga bagay na kasing pareho sa kanila ay ang Karma, Mga Mantra, Mga Yantra, Kasta, Pagbabalik Buhay at Darsana. Ang Islam sa Indya rin ay na inpluwensya sa Indyanong Kultura.Hinduismo,Budismo,Sikhismo ang paniniwala sa mga turo ni Guro Nanak at mga kasunod na mga sampung guro at Jainismo ay ang apat na pananampalataya na bahagi ng Relihiyong Indyano.
Shintoismo ay isang pananampalataya na nagsimula sa Hapon. Ang pananampalatayang ito'y naniniwala sa Kami, mga spiritong naninirihan sa mundo.
[baguhin]Mga sanggunian
? 1.0 1.1 1.2 Blake, Matthew. (2008). "Pananampalataya, faith, sampalataya (Sanskirt: sampratraya), kapanalig, atbp.". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.
? Gyatso, Tenzin, His Holiness the Dalai Lama, "religion" (to bind again; binding; tying up)), pagmumuni-muni para sa ika-10 araw ng Marso, The Path to Tranquility, Daily Wisdom, inipon at pinanutnugutan ni Renuka Singh, Viking/Arkana, Penguin Group, Lungsod ng Bagong York, pahina 78, ISBN 0-670-88759-5
? The Committee on Bible Translation. (1984). "Faith". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.
http://tl.wikipedia.org/wiki/Pananampalataya
No comments:
Post a Comment