Blog ng Ambisyosong Manunulat...

Total Pageviews

Monday, February 13, 2012

Blue_laklak


Blue_laklak

oh kay gandang pagmasdan oh bulaklak kandirit
sa kung ikaw ay tingnan oh sobrang alindog mo'y anong rikit
ako sa iyo'y napapaakit na suriin iyan at diyan lumapit
pero ano nga ba ikaw? tunay ba o sadya lang na plastic
iba ibang kulay, ang nakikita ko sa iyo'y bahaghari
kung hahawaka'y gayun nalang ang kaba'y kumakabog sa sarili
oo totoo na ngang ni ayaw ni masira man lang sa tabi
nasasaktang di malaman kung paano alagaang ganyan kaganda lagi
oh bulaklak ikaw ngayon ay hayun nasira na lang
sa pagpapabaya ay pasensiyang talagang di malaman
di maunawaang ikaw oh ano nga bang isip oh nilalaman
kaya ayun ngayon ay punong puno ng alinlangan
sa sarili, sa pangyayari, sa buhay at sa sitwasyong nararanasan
siguro oo matinik at masugatan na ako
kaya maigi nalang oh pabayaan baka mapabuti
kaysa hawak hawak at manatiling laging sawi
haha nakakapangiting di naman talaga layon ay ganito
masaya nalang na minsan nang sa buhay nakasama at naging bahagi

kaya ngayon oh siguro, may makakakuha sa iyo na karapat dapat
iyong tipong tipo na ay ok at ok ang sa inyo,sa iyo ayos lahat
may sayang laman sa puso kung nariyan ganun nga ang kahihinatnan
magaan sa loob na manatili ang hinahangaang kagandahan.

No comments:

Post a Comment