Blog ng Ambisyosong Manunulat...

Total Pageviews

Monday, February 13, 2012

Araw ng Feb-iibigan?


Araw ng Feb-iibigan?

araw ng puso, oh araw ng pag iibigan?
iyong may kurot sa puso, indak ng kasiyahan
masaya nga ba at may pag-ibig baga
oh isa lamang pinta, ang lahat ng ligaya

di man maunawaan ang siyang nararamdaman
halo halong emosyon, pintig ng kalooban
di maipaliwanag, kayhirap o di maintindihan
anong gulo hatid, anong sakit sa isipan

anong pag ibig ba iyan, meron nga para mang wala
parang dumadaan lang na hangin, pagaspas sa mukha
nanalo nga raw sa lotto, iyon pala peke o sama
hay, parang dinudurog ang puso ng pison o ano ba

araw nga ba talaga ito dapat ipagdiwang
oh kalungkutang dapat na ibaon at kalimutan
okey lang bang magsaya nalang ng walang dahilan
dahil ang karamay ay tila wala lamang

oh sinta alam ko sa pusong, iniibig nagmamahal
sige lang, oh ang buhay talaga ay sadyang ganyan
sana man mapansin ang pusong nag aabang
heto naghihintay, damdamin sa iyo tunay na tunay
na may kasamang hinagap sariling katanungan
may feb-ibig nga ba? araw ng feb-iibigan?

No comments:

Post a Comment