Blog ng Ambisyosong Manunulat...

Total Pageviews

Tuesday, November 15, 2011

Satanas sa Lupa



Satanas sa Lupa
Oh akala mo maswerte kana oh siyang alipin ng walang kamalayan
Sa pagkainosente mo ay di mo namamalaya oh ni nalalaman
Na ikaw pala ay pinagtatawanan ng demonyo sa likuran
Oh walang hinalang kaw pala ang kwentuhan saan san man sa kapaligiran
Di moa lam ang pangil ay nakabaon sa leegan mo oh sinta
Lason ay unti unting kumakalat sakop sa buhay mo ay maluwag na
Sa ugat mo ay kumakalat na at mahirap ng oh wala ng agap pa
Ni walang gamut na makakalunas sa sugat na hatid o sumpa
Oh ikaw sinakmal ng malaking nilalang kaawa awa
Nanlilisik sa iyo ang mata ng may ngiting aso ng satanas sa lupa
Haha oh maling akala sumpang sakdal may sala
Para ka lang isang pamunas na aapakan pagkatapos ng panlasa
Mawala ang kwenta oh gamit na pantanggal sa marumi at bara

Magsaya ka ngayon, saka ka na lang harapin ang dusa
Sige lang panahon mo ay ngayon humalakhak kat tumawa ng tumawa
Hanggang sa madurog ka na ay saka ka pagtatawanan ng iba
Habang ikaw ay gumagapang at walang makapitan, oh linta sa lupa.

Akala mo ha… oo ito ang lugar ng umaapoy na impyerno
Sinusunog ka ng unti unti hanggang maupos ang iyo ng buong buo
Akala mo anghel na tagapagligtas nakuha mong sandalan
Iyon pala ay demonyong ginagamit ka lamang at pinagsasawaan.

No comments:

Post a Comment