Blog ng Ambisyosong Manunulat...

Total Pageviews

Monday, December 31, 2012

Bagong Taon Sayo


                            Bagong taon sayo

“Isang taon na naman ang lumipas oh mabilis na dumaan
Heto na naman at sinasalubong ito ng may ngiti at maluwat”

Bagong taon na naman oh bagong taon na
Unting oras nalang oh ito satin ay darating na
Sa isang sandali na ay makakamtan oh heto na
Di na mapipigilan tuloy tuloy na, oh tuloy na
Sa loob 365 na araw ay mabilis na dumaan
Labindalawang buwan tila sa palad lang binilang
Ang 48 na lingo parang iglap nalang, oh lamang
Panibagong taon,panahon  Oh heto na naman

Anong saya ng pakiramdamang ganitong pagkakataon
Lalo pat sa dadaan na ito maganda ang mga layon
Sa pag iingat ng maylikha, oh dakilang puon
Taos sa puso ang pasasalamat mula sa iyong lingcod

Lagi nalang sinasabi, ang bagong taon ay bagong buhay
Oo, bagong buhay ang hatid sa pagharap ay syang akay
Dahil sa mga kahilingan ay nakamtan na ng tunay
Kaligayahang dadamhin, oh kasayahang walang humpay
Sa biyayang nakamtan na walang makahihigit pa
Oh ikaw mahal makakasama sa tuwina, oh sa tuwina
Oh sa maykapal nais nalang ay pag iingat nawa, sya nawa
Malayo sa kapahamakan, oh panginoon ikaw na bahala
Alam ko alam ko, oh panginoon ay alay ko ang mga ito
Papuri at pagsamba, pasasalamat maluwag sa puso
Kasabay narin ng paumanhin sa mga maling nagawa po
At ikaw lagi ang maging gabay hanggang sa bumalik sayo
Ang buhay na ito, pahiram mo ang buhay na to
Oh dakila ka, bagong taon ko na itoy para lamang sayo
Dahil sayo at tanging sa iyo lamang oh sayo
Sa tulang ito, oh sa tulang ito, oh sa tulang ito


Ikalawang new year na ito rito sa malayong lugar na ito. At ngayon ika-20 buwan na kaya atat na rin makauwi. Hay. Pero ok lang naman rito. Enjoy parin at masaya… alam na dahil sa kanya. 

2 comments:

  1. Galing po ng mga sulat nyo... Salamat po sa pag share...

    PeoplesQuotes.com

    ReplyDelete