Blog ng Ambisyosong Manunulat...

Total Pageviews

Wednesday, May 16, 2012

Music Mode Part 1 (Hanggang)

MABsvj


kapag sinukat mo kung gaano kalalim ang iyong pagmamahal
sasabihin mo sa sariling ito ay pangwalang hangganan
saksi ang langit na ikaw lamang ang sa buhay nag iisa
sa paglipas ng panahon ikaw lamang wala nang iba pa
malayo man sa piling ay di nawala ni saglit sa isip
ang ala ala ng iyong pagmamahal, yakap at ng halik
na sa tuwing nalulumbay siyang nagiging ating bigkis
ang kasiyahan sa tuwing, ang gabi ay ganun kadilim
-svj


Hanggang
-Wency Cornejo

Ilang ulit mo bang, itinatanong sakin
Kung hanggang saan,hanggang saan, hanggang kailan,
Hanggang kailan mag tatagal,
Ang aking pag mamahal,

Hanggang may himig pa akong naririnig,
Dito sa aking daig-dig
Hanggang may musika akong tinataglay,
Ika'y iniibig
Giliw wag mo sanang isiping
Ikaw ay aking lilisanin,
Di ko magagawang
Lumayo sayong piling
At nais kong malaman mo
Kung gaano kita kamahal

Hanggang ang diwa ko'y
Tanging sayo laan
Mamahalin kailanman
Hanggang pag ibig ko'y
Hanggang walang hanggan
Tanging ikaw lamang

Hanggang may himig pa akong naririnig
Dito sa aking daig-dig
Hanggang may musika akong tinataglay
Ika'y iniibig
Giliw wag mo sanang isiping
Ikaw ay aking lilisanin
Di ko magagawang
Lumayo sayong piling
At nais kong malaman mo
Kung gaano kita kamahal

Hanggang may puso akong
Marunong mag mahal
Na ang sinisigaw ay lagi ng ikaw
Hanggang saan hanggang kailan
Hanggang kailan kita mahal
Hanggang ang buhay ko'y
Kunin ng may kapal

Giliw wag mo sanang isipin
Ikaw ay aking lilisanin
Di ko magagawang
Lumayo sayong piling
Hanggang may pag ibig
Laging isisigaw, tanging ikaw
Hanggang may pag ibig
Laging isisigaw, tanging ikaw

More lyrics: http://www.lyricsmode.com/lyrics/w/wency_cornejo/#share


Basa mode...
http://www.pinoylyrics.net/lyrics/wency-cornejo-&-cookie-chua/walang-hanggan-lyrics-802.html

No comments:

Post a Comment