Blog ng Ambisyosong Manunulat...

Total Pageviews

Wednesday, February 29, 2012

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
-Ka Andres-
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya

Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa Tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Pagpupuring lubos ang palaging hangad

Sa bayan ng taong may dangal na ingat,
Umawit, tumula, kumanta't sumulat,
Kalakhan din niya'y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog

Ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
Dugo, yaman, dunong, katiisa't pagod,
Buhay ma'y abuting magkalagut-lagot.

Bakit? Alin ito na sakdal ng laki,

Na hinahandugan ng buong pagkasi,
Na sa lalong mahal nakapangyayari,
At ginugulan ng buhay na iwi?

Ito'y ang Inang Bayang tinubuan:

Siya'y ina't tangi sa kinamulatan
Ng kawili-wiling liwanang ng araw
Na nagbigay-init sa buong katawan.

Kalakip din nito'y pag-ibig sa Bayan,

Ang lahat ng lalong sa gunita'y mahal,
Mula sa masaya'y gasong kasanggulan
Hanggang sa katawa'y mapasa-libingan.

Sa aba ng abang mawalay sa bayan!

Gunita ma'y laging sakbibi ng lumbay,
Walang alaala't inaasa-asam
Kundi ang makita'y lupang tinubuan.

Pati ng magdusa'y sampung kamatayan

Wari ay masarap kung dahil sa bayan
At lalong mahirap. Oh, himalang bagay!
Lalong pag-irog pa ang sa kanya'y alay.

Kung ang bayang ito'y masasa-panganib

At siya ay dapat na ipagtangkilik,
Ang anak, asawa, magulang, kapatid;
Isang tawag niya'y tatalikdang pilit.

Hayo na nga, hayo, kayong nagabuhay

Sa pag-asang lubos ng kaginhawahan
At walang tinamo kundi kapaitan,
Hayo na't ibangon ang naabang bayan!

Kayong nalagasan ng bunga't bulaklak

Ng kahoy ng buhay na nilanta't sukat,
Ng bala-balaki't makapal na hirap,
Muling manariwa't sa baya'y lumiyag.

Ipahandug-handog ang buong pag-ibig

At hanggang may dugo'y ubusing itigis;
kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid,

Ito'y kapalaran at tunay na langit!


Makabayan ang dating saka isa  cool pa, nagpalagay ako ng watawat may flagpole pa… gloc 9
Mabuhay ang Pilipino, ating ipagbunyi. Mga makabayang mga salitang sa mga bibig lang nagmumula ngunit sa puso ay wala. Maraming mga akda ang gawa ng mga bayani pero itong tula na ito ang nagpaantig sa aking kalooban. Saka isa sa hilig ko sa mga tula kaya sa lahat ng mga akda ay ito ang nagging matimbang sa akin. Ang sarap dinggin na pinagsisigawang Pilipino… Pilipino sa isip sa salita at sa gawa, Pilipino sa buong mundo pero kaysakit isiping ikinahihiya ito ng marami. Kawawa naman yung ating mga bayani, kawawa naman an gating baying Pilipinas… ang ipinaglaban nilang bansa, ang pinaglaban nilang bayan ay tuluyang lumilimot sa kanila. Ikaw ba kaibigan… Pilipino ka ba?

No comments:

Post a Comment