Bakit?
minsan sa ating buhay dumarating ang puntong parang ayaw na
kasabay ng bulong ng isipang oo ako ay sumusuko na
sa pagpikit ng mata ay may pintig ng kirot na nadarama
na tila umaasang, wag naman sana... oh sinta mahal kita
na sa tuwing unos ay laging nadaramaang malungkot
sa dinami dami ng gumugulo sa utak, ang galit sayo lahat hinakot
iyong tipong pasan mo na ang daigdig, sayo ang lahat ng gusot
wala nang matino, di na maayos ayos ang sariling kumot
natanong ko tuloy sa sariling, pagmamahal pa rin ba ang hatid
bakit tila luha na lang lagi ang sa piling nakakamit
naiisip tuloy, sa buhay ko ba wala na natitirang bait
bakit ganito, sa pagkukulang ko ba oh ngayon sobrang lupit
nais ko lang naman ang magkaroon ng maayos na relasyon
iyong tipong maski ang langit at lupa hindi obra ang layon
na kung paghiwalayin ay pag-ibig ang magbibigay tugon
iyong pang walang hanggan, ikaw ako sa habang panahon
bakit ba ganito, di ko lubos maunawaan ng isip kong palalo
di ko matanto, kung bakit nga ba ang lahta ay ganito
masasabi ko bang sa sarili ko ay lubos na napakasama ko
walang silbi at di marunong umibig ng tunay at totoo
No comments:
Post a Comment