maamong mukha ang bungad na nakikita, inosenteng anyo tila isang maamong tupa
may matamis na ngiti at tawang di maipinta, di malaman ang iniisip oh sadyang mahiwaga
kumbaga sa hayop ay isang iguana, na kulay ay nag-iiba kahit saan madapo
kaya maraming nauuto, naluluko, napapakontrolado at sunud-sunurang parang aso
bohuk mo siguro ay singkapal, ng berdeng damo sa bukid at mga parang
na kung kaharap na sa maraming tao at di man matinag sa kahihiyan
katawan mo na ay simbulok na nang mabahong basura sa kanal
na kung pagsawaan ka ay walang patid daig pa ang attendance sa paaralan
kaya pala par aka nang daing na tuyo, wala ng sabaw kahit sipsipin ng todo
di na mangagkatas kahit pigain gamit ang pison na pangsemento
nakakaawa ka naman oh, akala mo ang lahat ng pangako ay totoo
he… nangangarap ka lang sa mga pangarap na hatid isa lang balatkayo
nakakaluko, nakakalito, parang totoo, puro lamang pintang obra maestro
para lamang nangangarap sa mahiwagang mundo, eden ng paraiso
ok n asana eh, oh kay ganda, anong saya, anong ligaya, parang wala ng bukas pa
sige lang makakamtan din ang kabayaran, ang walang hanggang pagdurusa.
No comments:
Post a Comment