Blog ng Ambisyosong Manunulat...

Total Pageviews

Monday, November 12, 2012

Ang Kaharian (KSA)


Kingdom of Saudi Arabia
Islam ang tanging relihiyon, mga muslim ang lahat ng nakakasalamuha. Mapa kahit anong lahi man. Nariyan ang mga Arabo (Saudi), mga mashry (Egyptian), mga Pakistani, bangali, mga sudani, Yemeni, Syrian, indian at iba pa. Koran ang banal na aklat nila at si Mohammad ang kanilang propeta. 
Islam (Arabiko: الإسلام; al-islām), "pagsuko (sa kalooban ng Diyos)" ay isang pananampalatayang monoteismo at ang ikalawang pinakamalaking relihiyon sa mundo. Ito ay isang Abrahamikong relihiyon kasama ng Kristiyanismo at Hudaismo kaya't malapit na kamag-anak ng mga pananampalatayang ito. Naniniwala ang mga tagasunod ng Islam na kilala bilang mga Muslim na ipinahayag ng Diyos (Allah sa Arabo) ang kanyang banal na salita sa sangkatauhan sa pamamagitan ng maraming mga naunang mga propeta, at ni Muhammad na siyang huling propeta ng Islam. Para sa karagdagang kaalaman buksan ang link. http://tl.wikipedia.org/wiki/Islam. Marami sa ating mga kababayan ang nagbabalik islam para sa kani kaniyang mga kadahilanan. Gaya nang mga christiano ay nagtuturo din ang mga ito ng kanilang relihiyon para sa karagdagang mga myembro. Biyernes naman ang araw ng pagsamba nila kaya iyong araw ang araw ng pamamahinga ng mga trabahador rito.

Ibang wika (Arabic). Arabic ang pangkalahatang wika. Mapa punta man nang tindahan, sa paligid, banko, restaurant at sa buong paligid ay ito ang pinakagamit. Sa dalawang taon ding pamamalagi ay natuto narin ng paunti unti (swaya swaya baga sa Arabic). kailangang matuto dahil mangilan ngilan lamang ang nakakaintindi ng English. Maski nga sa mga kasamahan sa trabaho ay hirap na nag uunawaan dahil meron sa kanila ang di man marunong ng kahit konting English. Kumbaga dahil dayo lang sa bansang ito kaya makikibagay at sunod nalang sa agos baga. Mayroon ding ibat ibang wika galling sa kapwa mga dayo rin na karaniwang gamit kapag nagsisama sama mga magkakalahi. Nariyan ang Urdo para sa mga Pakistani at indian, syempre ang Filipino na hindi pahuhuli.

Mosque. Maglakad lang sa paligid at sigurado mapapansin mo kung gaano karami nito. Halos sa lahat ng kanto sa malalaking bayan na kung saan maraming tao ay marami nito. Na sa kahit na saang lugar ay di ito mawawala. Maganda ang pagkakagawa na masasabi nating pinagkagastusan ding gawin para sa lugar ng pagdarasal at pagsamba. Sallah ang tawag sa kanilang oras ng pagdarasal. Limang beses sa isang araw. Na kung saan ay sadyang nilalaanan pa ng panahon ang mga muslim. Maguumpisa ng 5am-530am, 1230pm-100pm, 330pm-400pm, 530pm-600pm, at ang huli ay 800pm-830pm. Dumedepende kasi raw iyan sa buwan kaya hindi fixed ang mga oras at sadyang dun lamang umiikot. na kung saan kapag nag umpisa nang ito ay ang lahat ng tindihan ay sarado ay diretso ang lahat ng muslim sa masjed (Mosque). Mapapansin mong mag uumpisa nang magdasal pag nag ingay na ang tagapanguna gamit ang megaphone.

Patagong Christian ministry. Di ko inaasahang mayroon ding ganitong pagtitipon sa mahigpit na lugar na ito. Kaya patago dahil pinagkakabawal bawalan ang ibang relihiyon liban sa islam. Na kahit na bawal ay di mapigilan ng mga tulad ko na Cristyano na gumawa nang paraan para maipahayag ang pagsamba rin sa dakilang maylikha. Siguro mga nakalimang beses din akong nakadalo at masasabi kong para sa pagsamba ay nagagawang ibaon ang kanikaniyang mga paa sa pakikipagsapalaran para rito at doon palang hanga na ako.

Madali ang trabaho. Ikumpara mo ang trabaho na naranasan sa bansang sinilangan ayon masasabi kong malayong malayo. Ayun sa kontrata walong oras kada araw sa loob ng anim na araw sa isang lingo. Siguro nga depende din sa trabaho, pero ito ay ayun sa aking nararanasan. Minsan nga naghihintay na magbibigay ng gagawin. O dili kaya ay mayroon mang gagawin na pwedeng matapos sa loob ng tatlo hanggang apat na oras. Pwedeng depende nga sa kompanya at trabaho na pinasukan. Iyong iba nga na kababayan natin na napagalaman sa usap usapan at kwentuhan ay mga kawawa. Iyong tipong iyong sahod daw ay iba (mas mababa) dun sa pinag usapan bago pumunta rito. Iyong iba pa walang accommodation na bigay na dapat ay mayroon. Iyong iba pa na nagtangkang lumayas dahil sa mga pang aabuso at pagmomolestiya, pagpapahirap ng amo.  Kung sa trabaho… wala na masasabi… medyo mataas ang sahod… pero ang parusa ay ang pangungulila. Pangungulila na di kayang bayaran ng kahit na gaanong pera.

Kasuotang ng para sa babae. Abaya ang tawag. Kulay itim na pahaba hanggang talampakan na parang duster kasama ang (tarha) parang bandahe na pambalot naman sa ulo. Lahat ng mga kababaihan sa labas ng tahanan ay nakasuot nito. Huhulihin/sasabihan/sisitahin ka kung di ka nakasuot nito. Ganun kahigpit para sa kasuotang pambabae na ito. Iyong mga arabo nga ay ballot na ballot. Maski nga ang mukha ay di na Makita liban lang sa mata (parang ninja baga) o dili kaya ay saradong sarado wala na talaga ni makikita. Normal ito sa lahat pati narin ang pagtitig sa mga ito ay sadyang nakakatakot. Dahil pwedeng magsumbong ang mga ito katumbas ng pamboboso/pambabastos.

Bawal ang alak. Bago nagbiyahe papunta sa banyagang bansa na ito ay oo malimit na malampasan ang pag inom ng alak. Siguro masasabi na bahagi nay un ng buhay (pamumuhay) kapag dumating na ang pagdapit hapon. Bawal sa bawal… pero alam naman natin na ang pinoy maparaan… pero meron man patago ayun ay mahal. Pero pwede naring pagtyagaan at pampalipas ng oras. Iyong tipong pang kwentuhan ng magkakakilala at sa puntong wala ni magawa. Iyong alak na gawa raw (ayun sa kwento) ay sa asukal. Kunting patak sabay halo ng juice… pwede na. ihain na ang pulutan at handa na sa inuman. Shot na pare.

Internet (Facebook, skype, yahoo messenger/mail). Walang tao ang di gumagamit nito. Mapaanong lahi at mapasinong tao ay gamit ito. Iyong pagkakataon na tapos na ang trabaho ay ito na ang nagsisilbing libangan nang lahat. Mapa laptop/computer/cellphone ay gamit ito. Kumbaga nasa bahagi na nang araw ito para sa ibat ibang pagkakataon. Paghahanap ng mga kaibigan, paraan narin ng pagtawag sa pilipinas, panonood at pagbabasa nang mga balita at iba iba pa. tyempo kasi kapag lumabas ay wala kang makikitang tao dahil mainit sa umaga at wala talagang ibang mapaglilibangan pagkatapos ng maghapong pagtatrabaho.

Camel/Tupa. Ang karaniwang hayop na makikita pag napadpad sa labas nang bayan. Makikita mo silang nakakumpol mapa sa buhanginan (disyerto) man o sa batong bulubundukin na laging may isang tao na nakabantay (tagapagalaga). Masarap rin ditto ang dinadayo sa lugar ang pag inom ng sariwang gatas ng mga camel na sadyang katakam takam talaga at masarap. Sa kahit na saang lugar na labas ng bayan ay di mawawala ang mga ito.

Bawal ang baboy. Ito ang mamimiss mo talaga sa lugar na ito. Sa pang ulam mo ay lagi nalang manok, baka, isda ang karaniwang mauulam. Pwede rin ang tupa at kamelyo kaso may kamahalan. Dumarating nga ang pagkakataon na puro manok nalang at di na malunok, mababanggit mo nalang kulang nalang na tubuhan ka ng balahibo at pakpak. Hay, ang sarap pa naman nang lechon baboy..hh

Jollibee (Panda). Walang tao siguro ang di makakakilala kay jolibee. At ito nga ang pinakasikat na kainan para sa mga Pilipino. Iyong tipong dinadayo talaga at tila nagugustuhan narin maski ng mga ibang lahi. Ito yung lugar kung saan nagkakasama sama ang mga magkakakilala pagkatapos ng kwentuhan at pasyalan. Panda naman ang pangalan ng grocery shop na paboritong bilihan. Ditto rin ang lugar na nagkakakita kita ang mga kababayan natin.

Banko. Di makakaligtaang puntahan nito ng kahit na anong mga lahi na dayo rito. Pagkasahod ay di natin makaaligtaang maisip para magpadala sa mga pamilya o kamag anak sa pilipinas. Nariyan ang gamit naming na NCB (National Commercial Bank), ang Al-Rajhi Bank, Telemoney/ANB Arab National Bank, Samba Bank at Enjaz/Bank Al-Bilad. Syempre mayron kang Savings Account para sa ipon mo.

Disyerto. Nasubukan ko narin magtrabaho at tumira sa lugar na ito. Hay masasabi mong mainit talaga mapa umaga man o sa gabi. Nasubukan ko mapa pula o brown na pinong buhanginan na iisipin mong tila wala nang buhay sa lugar na iyon. Natira na rin ako sa isang village na talaga namang paligid ay puro buhanginan. Hay saklap nang buhay lalo na minsan sadyang di mawawala ang sandstorm. Dumating pa nga ang puntong wala na talaga makikita sa paligid at masakit ang tama nang bato na kasama sa hangin. Hay.hirap kumita nang pera. Masasabi mong nasa Saudi Arabia ka talaga kapag nasubukan mong lugar na ito na ang pinakamainit ay sa 55 degree celcius.

Dates/Tamar.  Matamis na prutas na parang niyog ang puno.

Cactus. Mayron ding lugar na kung saan ay tinatawag na farm. Dun sa mga lugar na may tubig. Matinik na halaman mapa sa sanga at bunga. Sa hinog na bunga nito ay di matatawarang sarap din na maboto. Na kapag natinik ka ay oh kay hirap taggalin. Dahil ang isang tinik ay kumpon pala ng maramong tinik na maliliit. Kaya ingat. Hay.

Mga Pagkain (Kabsah). Kapag walang luto sa bahay ay ito ang di makakaligtaang kainin/bilhin. Mamantikang kanin na halo nang mga sangkap na kasama nang inihaw o inoven na manok (shawaya/faham). Mayroon din yung (laham) karne ng tupa. Paborito ding kainin ay ang broast (pritong manok,fries, at tinapay), shawarma sandwich o dili kaya ang paborito sa umaga na mura ang egg sandwich. Pwede rin ang parata/kubos. Samahan mo nang tsaa ok na.

Al-shafa. Isang lugar sa Taif na paboritong puntahan/pasyalan nang mga Filipino. Sa lugar na ito iyong lugar na bundok na bato (mga 20 metro taas) na paboritong kunan ng larawan sa ganda ng paligid na matatanaw. Malamig ang panahon sa lugar na ito at masasabi mong libreng lugar kung saan Malaya ang mga kababayan/kababaihan na tangalin ang abaya. Lugar din kung saan maganda ang magpiknik at karaniwang vandalan ng mga tao sa magagandang view ng maliliit na mga bato.
Si asawa ay inaasawa. Kaya nga muslim eh… ano nga ba ang meron sa muslim na wala sa kristyano… e di apat na asawa. Hay kasakit namang isipin, ayun kaliwat kanan na nakikita, kabit ditto kabit diyan. Hay. Kaya para maging legal nagpunta sa islam. Oh kawawang relihiyon, nagamit sa kalokohan. Ito naman si relihiyon ayon masayang masaya, masaya nga ba? Ang magamit ka, o ang niloloko ka. Hayon, pagkatapos ng trabaho, pagbaba ng bus nakaabang na si kumpare sundo ni kumare patungo sa pugad ng kavite. Ayun akala ni asawa, mga anak na naiwan… ang sipag ni mama, ang sipag ni papa… ang sipag makisama sa kabit na kasama. Hay… sira ang pamilya. Muslim na pala… wala man lang kahinala… kung sabagay… magsaya ka… ang kabayaran mo ay paparating na humanda ka. May asawa ka na nga oh kilabutan ka sa iyong pinaggagawa. Sabi nga nila. Iba a naman kasama ni ate, iba na naman sinundo ni kuya. (cavitenyo) (ayun sa kwento kwento po)

Bawal magsama sa kahit saan man ang di mag asawa. Bawal magholding hands sa labas ang magkasintahan.

Family Day. Kung saan ang mga mall ay di mapasukan ng mga lalaking walang kasamang babae. Karaniwang ito ay sa huwebes at biyernes ng gabi.

Souk. Isang maluwag na building na paborito nang mga Filipino. Rito kasi sa lugar na ito makakabili nang mga produktong galling sa Pilipinas. Rito ka mabibigla na ang mga ibang lahi na nagtitinda ay marunong nang magtagalog. At masasabi mong parang nasa pilipinas ka dahil karamihan sa paligid mo na nagsisipagbili ay mga kababayan.

MAB./Michelle. tingnan ang link. Oda ng Makata (http://serapiodejesus.blogspot.com/2012/06/oda-ng-makata-p1.html). Ang Love Story (http://serapiodejesus.blogspot.com/2011/09/ang-love-story.html) (http://serapiodejesus.blogspot.com/2012/02/ang-love-story-sweet-diba.html).  Mapagmahal. Salitang siya ay aking mahahalintulad. Walang mga salita ang para siya ay matukoy at mailarawan. Nasa puso iyan. Naniniwala ako sa sabi nila kung kayo kayo talaga. Panahon lang ang makakapagsabi at pagmamahal ang magpaparaan para magsamang muli. Pero di pa man sumusuko. Hanggat may panahon at pagkakataon. Sana. Sayang. Salamat.
Baka may nakaligtaan… kung sakali itutuloy.


No comments:

Post a Comment