Blog ng Ambisyosong Manunulat...

Total Pageviews

Saturday, November 10, 2012

Hula-hope



Hula-hope
Bakit kaya lagi nalang sa mga desisyon nating nagagawa sa buhay ay di natin malaman ikakasama pa pala. Bakit lagi nalang di natin maunawaan kung tama nga ba ito o mali ang magiging resulta. Nangyayari nalang pag natapos na saka mo lang doon magaganap, nakasakit nakasama at may nadamay ka nang tao. At ito pa di lang kung kaninong mga tao, mangyari eh ang pinakamamahal pa. kung ano man tuloy ang nadarama niya ay anong sakit o dobleng sakit ang hatid sa damdamin. Bakit ba kasi malaman kung ano ang magaganap sa buhay, bakit ba kasi di maunawaan ang lahat ng kahihinatnan. Sana nagkaroon nalang ng kapangyarihan o talento na malaman ang hinaharap. Nang malaman ang kahahatungan ng lahat maski ng abang buhay. Ito ay patunay lamang na Diyos lang ang nakakaalam ng lahat ng bagay sa mundong ito. Kaya lagi nalang nang sa buhay ay sa kanya lamang ialay at ipaubaya. Laging nasa huli ang pagsisisi pero sa Maylikha ay buong ligaya ang matatamasa. Mang hula nalang para sa pag-asa. Hula-hope.

No comments:

Post a Comment