Tupang Ligaw
Malapit
na namang lumubog ang araw
Dilim ng gabi’y darating na naman
Sa paghimlay mo isip mo’y naglalakbay
Nakatanaw sa kawalan
Dilim ng gabi’y darating na naman
Sa paghimlay mo isip mo’y naglalakbay
Nakatanaw sa kawalan
Lumipas
na naman ang isang araw sa buhay
Takbo ng buhay mo’y di mo namamalayan
Sa bawat sandaling darating at papanaw
Buhay mo’y tila parang kulang
Takbo ng buhay mo’y di mo namamalayan
Sa bawat sandaling darating at papanaw
Buhay mo’y tila parang kulang
Koro:
Kayamanan at lahat ng kalayawan
Wala pala itong kabuluhan
Kung si Kristo ay wala sa iyong buhay
Para kang isang tupang ligaw
Kayamanan at lahat ng kalayawan
Wala pala itong kabuluhan
Kung si Kristo ay wala sa iyong buhay
Para kang isang tupang ligaw
AD
LIB
Sa bawat sandali darating at papanaw
Buhay moy’s tila parang kulang
Sa bawat sandali darating at papanaw
Buhay moy’s tila parang kulang
(ulitin
ang koro 2x)
Para kang isang tupang ligaw
Para kang isang tupang ligaw
Para kang isang tupang ligaw
Para kang isang tupang ligaw
-Ito naman ang kanta na malapit sa puso
ko. Siguro nga sa sakit na nadarama at pag iisa ang aba ay tila nawawala di
lang sa damdamin na nadarama maski sa spiritual na buhay. Oo alam kong akoy
ligaw dahil sa layo ng kinalalagyan at sa hirap ng sitwasyun ng kapaligiran ay
nahihirapang makipagsabayan. Dumating ang puntong tila nauudyukan na ang
paniniwala at palitan nang relihiyong rito ay pagkalahatan. Mabuti na lamang at
ang isipan parin ay naliwanagan. Alam ko na sa kahit man ako ay mawala sa
dakilang lumikha lagi parin siyang nariyan sa akin, sa aking buhay aking
kaagapay at laging karamay. Alam ko di nya ako papabayaan ni iiwan man. Ang buhay
ko ay kulang kung wala ka panginoon. S Diyos ang kapurihan. Amen.
Natatandaan ko pa nga minsan narinig ng aking mga kasamahan. ang sabi ko nalang ay sikat ang kanta na ito pero di nila talaga alam. pero para sa akin. sikat man o hindi ang kanta... lagi nalang mensahe nito ang dapat bigyang pansin.
No comments:
Post a Comment