Kamatayan.
Sa paggulong ng buhay na ito ay di natin namamalayan na
bawat minutoy lumilipas. Di man natin napapansin na biglang bigla nalang ay
unti unti nang natatapos ang buhay. Palapit ng palapit at mapaparoon na tayo sa
tinatawag na katapusan. Malay natin na sa pagpikit ng mga mata ay bigla nalang
maganap ang biglaan. Nang di man nalalaman na sa bawat Segundo ay magaganap
nalang… hangganan. Pero huwag lamang mag alala kaibigan Diyos lamang ang
nakakaalam kung sa daigdig na ito hanggang kelan. Diyos lamang ang nakakaalan
kung bakit ka pa humihinga at lumalaban. Kaya lagi sa kanya lamang ibigay ang
pagtitiwala at pagmamahal. Sa kanya ang pagsamba at ang masigabong kapurihan.
Sa bawat pagsikat ng araw at pagtapos nitoy isang biyaya…
pero bakit sa aba nagpapasasa sa sakit na nadarama. Ipinikit ang mata, inisip
ng malalim ang mga mahal sa buhay, at unti unting pagulong ng pagulong ang
isipan na tila ba naglalakbay… tapos bigla pipigilan ang hininga… ha… sa ilang Segundo
lamang di na kaya ng katawan. Pano nga ba ang pagharap sa kamatayan? Pano nga
ba ang nadarama ng mahugutan ng hininga? Paano na ang sa kung ika’y mawala nalang
rito sa ibabaw ng lupa?
Maraming mga paraan kung paano pwedeng matapos ang buhay ng
tao. Sa panonood nga lang ng telebisyon ay kaliwat kanan na balita ang
nangyayaring mga kamatayan. Maski mga
diyaryo lagi di mawawala ang mga kwento ng pagkamatay. Maski nga sa barangay na
lamang mabibigla ka paggising sa umaga gayun na lamang ipapaalam na si Ale o
Mama ay wala na.
Maaari iyang maganap ng di man inaasahan. Malay natin sa
paglalakad lang diyan sa labas ay bigla kang masagasahan o dili kaya ay may
magnanakaw at saksakin ka nalang bigla kapag ikay nanlaban. May pagkakataon
naman kahit nasa bahay lang ay biglang sa pagsaksak ng appliances nyo ay bigla
nalang makuryente. Di man namamalayan mangyayari nalang bigla di mo man lang
malaman. Ni sa pagtulog mo… di na magising. Oh panginoon diyos sa iyo ang abang
buhay ko. Gamitin mo ito sa ikakalago ng iyong kaharian.
Ang Diyos lamang ang nakakaalam ng lahat. Kung hanggang
kelan tayo mamamalagi sa mundong ito. Dahil siya ay makapangyarihan at dakila
sa lahat. Maski nga kung ilang pirasa ang buhok ng isang tao eh. Kaya mga
kaibigan sa kanya lamang kapurihan mula sa langit hanggang ditto sa
sandaigdigan. Sa kanya lamang an gating papuri at pagsamba iaalay. Amen.
No comments:
Post a Comment