Blog ng Ambisyosong Manunulat...

Total Pageviews

Monday, July 30, 2012

Salamat


Puno ng pasasalamat na ikay natagpuan
Ang sa daigdig siyang pinakamagandang nilalang
Sabihin mo mang ito ay kasinungalingan
Puso ang nagsasabing ito ay ang katotohanan.
Sa layo nitong Arabia ay tayong dalawa ay pinagtagpo
Sa dami niyang tao ikaw ay nakilala ng oh abang lingcod mo
Sa buong mundo ay ikaw at ako ay nagkasundo
At nagkaroon ng pag ibig na tunay at totoo
Hiling na sana ay pagmamahalan ay di na magmamaliw
Ang pag ibig na alay sa akin, lagi sa awit may saliw
Sana nga pero di natin malaman, puso lamang nakaaalam
Sa maykapal nalang inihahatid ang kalahatan at kasagutan

Isang taon narin pala. Parang kailan lang. Isang taong nakalipas na naging mahalagang panahon ng buhay ko. Yung panahon na masasabing nagpabago ng buhay ko. Ang sandaling naging masaya, malungkot, nadapa pero patuloy paaring lumalaban at tumatayo para sa nag iinit na nararamdaman... ang aking pagmamahal. At ito lubos na pinagpapasalamat at ikaw ay naging malaking bahagi dito. Heto ako ngayon nakahiga. Sa pagpikit nga lang ng mga mata ay unti unting bumabalik ang nakalipas na sa buhay ay nagdaan na. Yung nakalipas na bahagi na ng aking buhay at pagkatao na di mawawala hanggang sa matapos ang buhay na ito. Naaalala pa nung panahon  na lungkot ang nadarama dahil bago palang na salta sa dayuhang bansa at ikaw ay nakilala  at nakasama. Mantakin iyon... inabot ako ng pagkalayo layo mga 8000 kilometro para ang isang tao, ikaw ay matagpuan ko. Ang sakit nung mga panahon parang di ko makaya ang masaktan at magawang pagtuunan nalang ang trabaho pero wala paring matamong kaligayahan. Naalala ko nang pinakilala ka ay gayun nalang ang pintig nang aking dibdib. Naroon ang takot at pagkakapababa ng sariling lakas na ang isipan ay bumubulong nalang na sana mayaman nalang  ako, kasing pogi ako nun, magaling at  matalino nalang at sa lahat ng bagay ay talentado kunbaga perfecto. (Na ngayon heto balik ang damdaming ito. Ang kawalan ng tiwala sa sarili at pagpapababa ng tingin sa aking pagkatao). Mabilis na nagbabalik sa aking tanaw mga sandali nung tayoy nagsisimula pa. Nung umpisang iadd ka facebook at makapalitan ng kuro kuro... matanong ang phone number at makausap... Natutong mag yahoo messenger at skype. Yung pagkakataon  na kahit na nasa mahigpit na lugar ay parang magkalapit lang... Nakakausap ka at laging bantay sa pagtulog. Na malayang naiisip at nangangarap  kung maaalagaan ba kita, liligaya ka at ang di masaktan pa. Sa pagpikit ng aking mata ay nararamdaman ko ang lamig ng nadarama at mabilis na pagtibok ng puso kasabay nito unti unting pag agos ng luha sa aking mga mata at nababanggit nalang ikaw ang mahal. Alam sa sariling  ikaw na nga sinta ang hinihiling at pinapangarap. Hanggang dumating ang puntong mahawakan ang iyong mga kamay ng nanginginig pa na tila takot at maging natural nalang na kasama ka. Iyong tipong sa kaligayahan ay parang wala ng bukas pa. iyong panahon na dumampi ang halik na nagpapatunanay ng paubaya ng nadarama. Sa taglay na nadarama ay nagsasabing sana di na matatapos pa.

Pero sa lahat nito nariyan ang pagsubok. Ako ay nagkamali ng di man namamalayan at ika’y masaktan at mabaliwala. Nadama mo siguro ang pagkakataong parang di ka na napapahalagahan ng di ko man lang namamalayan. Pagkakataong makasarili ako at di maisip ang iyong nadarama na ngayon lubos kong natitimbang at nauunawaan ang mga maling nagawa sayo. Alam ko ganuun ang nadulot na sakit na ngayon aking pinagsisisihan na sa sakit na nadarama at parang di ko na makakaya pa. pero patuloy paring nangangarap at lumalaban para sa pagdating ng panahon muli kang mahagkan at mayakap.
Di ko kaya na mawala ka. Parang di na ulit makakayang masawi at mag isa. Nangarap ako ng bukas kasama ka pero hanggang ditto na nga lang ba? Nangarap ako ng buhay na kasama ka sa hinaharap hanggang wakas pero ngayon pangarap nalang ba? Pasensya ka na at di nagawang maalagaan ka. Pasensya kana at nasaktan ka. At oo ikaw ay aking nabalewala. At siguro ngayon ang patawarin ay di na magagawa pa. Pero ok lang. Tatangaping lubos ang lahat na kahit nadaramang sakin ayaw mo pero tandaan mo nandito parin ako umaasa. Kahit na laging parang walang kwenta nandito pa rin umaasa. Maghihintay sayo at makakayang magtiis at lumaban sa pagharap sa buhay na ito para sa pagmamahal, para sayo aking mahal at dahil nagmamahal. Ikaw lang sinta sa buhay mahalaga. Walang salitang katumbas ang pag ibig na nadarama say o. salamat at ikaw natagpuaan ko, salamat at ikaw ay nagging bahagi ng buhay. Salamat sa pagmamahal at ikaw tanging siyang mahal. 

No comments:

Post a Comment