Blog ng Ambisyosong Manunulat...

Total Pageviews

Tuesday, July 3, 2012

Bituin


Madilim na naman ang gabi. Ang simoy ng hangin ay ganun parin...mainit. Sa paghampas nito sa aking mukha ay tila humahalik na apoy. Susubukang mamalagi ng ilang sandali ay hayun anong init ang nadarama at mapapansin mo nalang sa paligid...ang buhay...buhay saudi. Susubukang igala ang paningin heto puno ng ilawsa paligid, sa paglinga sa kalangitan ay may naaaninag na mga bituin na tila nagsasabing di ka mag iisa at laging di ka nag iisa may kasama ka. At pagtanaw sa maliwanag sa kanila ay naaalala ka. Kasabay ang sambit ng isip sana kasama ka, sana katabi kita, at sana kayakap ka. Sa pagpintig sa aking dibdib ay naaalala nung tayoy magkasama pa. Anong kaysaya na nagsasabing mahal ko miss na kita. At nagtatanong na sa maylikha oh bakit nga ba, bakit nagkalayo pa gayung magkasama ng oh kay saya. Bakit pa ba at hadlang ay nasa atin pa. Kaya lagi nalang na sa kahit kapirasong oras na ikay makumusta ni makausap oh sinta ang nadarama ay kumakalma. Akoy nagiging payapa at nagkakaron ng lakas na magtiis, na maghintay, na mangarap sa parating na panahong sumakit ang ikay mayakap muli sa bisig, ang maging masaya muli sa piling at mahagkan ang matamis na halik. Na may panalangin sa maykapal na sana lagi kang nariyan, naghihintay at nakaalalay gaya ng mga bituin sa kalangitan. Na may kasamang bulong na sana pagmamahal mo ay di mabahiran ng pagdududa at lalo pang umalab  hanggang sa makapiling ka... Mahal kita.
may talent din na kunti.matagal narin
nung huling gumuhit. nagawa nung
gabing di man makatulog.hay.naalala.

No comments:

Post a Comment