Blog ng Ambisyosong Manunulat...

Total Pageviews

Wednesday, June 6, 2012

ODA ng MAKATA (p.1)

    ODA ng MAKATA  -SVJ

Mga salitang lumalabas sa isipan ko sinta
Ikaw ang sinasambit, nasa akin g ala ala
Can’t explain to myself, oh bakit nga ba
How I miss you, ganun nga siguro talaga
Eh, hahawakan ko ang dibdib, mabilis ang tibok
Lalong lalo na kapag isipin kang lubos
Lilipas sandali, mga mata’y mapapaluha
Ehem… bubulong sa hangin oh mahal kita
Aabangan nalang ang araw hanggang sumapit sinta
Biglang hihiling na sana ang araw mahawakan, mayakap, mahagkan kang muli Inshallah…abot kamay na
-Serapio V. de Jesus



Bago matulog aking mahal ikay naaalala
Sa pagpikit nang mata ay ikaw ang nasa diwa
Kasabay ng bulong sa isip kamusta ka nga ba
Nang may paghingi ng paumanhin, pasensya
Di mawaglit sa isipan kung ano ang gagawin
Sa paglipas ng araw ay parusang nakalambitin
Di maiwasang magtanong ok kaya parin
Kakayanin pa bang maghintay ka gang sa pagdating
Parang oh kay tagal naman, oras na ay iikutin


minsan akoy nangarap na ako man lang ay bigyan
nang maylikha ng isang iniibig oh minamahal
iyong tipong manghihimlay at siyang mag aalay
ng wagas na kaligayahan, ng bawat isa hangad
hindi nagmadali, naghintay lang oh ng pilit
lagi nalang sa isip, sa maylalang walang kulit
kahit na minsan oh lagi nalang nagtatanong oh bakit
bakit laging ang damdamin ay yakap ng sakit
minsan pa nga ay naiisip na wala talaga
sa trabaho, tutok ang oras, araw at ala ala
maski ang paglayo nalang san bansa mapunta
at heto na nga, nakaapak sa lugar ng arabia

noong una wala sa isip ang magkaroon ng pag ibig
dahil narito sa ibang bayan, trabaho lang sa tuwid
ang mag ipon para sa kasaganaang hinahangad
at makapagsimula nang handa sa lahat nang labanan
hanggang sa dumating ang puntong, ikaw ay nakilala
sa pungay ng mata, akalay anghel na nasa lupa
oo alam ko sa sariling walang lakas at pag asa
pero ang kalooban, ang katulad mo ang ninanasa
nang malaman ang ngalan, ako ay ganun kasaya
nang sa facebook oh ang profile ay makita
oh ikaw na nga, puso ay tumibok ng bigla
may pag ibig na nadama, oh ikaw mahal kita

naisip ko tuloy sa lawak nitong buong mundo
sa layo ng tinungo ay ikaw natagpuan ko
mga pinangarap ay bigla nalang nangagsitotoo
ikaw oh sinta, ikaw na nga oh ikaw na nga
kaya mula noon ay ang sa obra naging maligaya
dahil may paglalaanan na ng impok ang nadarama
lalo pa nang ikaw ay sa aba napaibig pa sa ako
oh anong saya, parang katapusan na ng mundo

at nang mayakap ka... di ko talaga maikakaila
ang damdamin ko oh ganun sadyang kakaiba
at nang mahagkan ka para samyo ng rosas ang umaga
lumulutang sa hanging, umiindak sa masayang musika

at sa tuwing ikay kasama, laging ang araw ganap na
kasama pa ang buong lingong, ganun talaga saya
tila bang ang saglit ay katumbas ng walang hanggan
gaya nang aking pagmamahal, pang walang katapusan
oh mahal kita, di man masambit sayo oh aking sinta
pero laging sa puso ko, laman ka ng alaala
ang marinig lang ang tinig ay nagbibigay payapa
siyang nagiging lakas na tumayo, lumaban at magtyaga



Inisip ko dati, tunay na pag ibig na siya na nga
Ngayon isip na lang, nawala nang parang bola
Kagustuhan ba iyon ng tadhana oh sumpa
Oh pansariling desisyon, mali nga ba kaya?
Isa isa pumapasok sa isipan kung bakit pa ba
Kung bakit sangkatirbang bakit ang sagot ay wala
Kung saan huhugutin, di malaman oh sinisinta
Bakit nga pa ba… buhay ay ganyan pa nga ba
Ganyan naman talaga damdamin daw ay lumilipas
Ang matamis na ngiting ay ganun napaparam
Bakit ang nadarama, sakit ng rurok ng kalooban
Nang may pagsisising, bakit ganito kinalabasan
Paalam na nga ba? O umpisa lang ng bagong saya
Paalam na nga ba? O nais matuto lang ng tama
May pag asa pa nga ba?oh sadyang may tuldok na
Wag naman sana, kelan kaya tanggap ng oh aba
Hindi nga ba habang may pag ibig pa na natitira
Magpupursigeng tumayo, ipaglaban nadarama
Pero paano nga ba eh siya ay sumuko na…
Ipagpipilitan pa ba?oh aasa nalang sa wala?
Ano nga ba gagawin…ano nga ba oh Diyos
Ano ang gagawing desisyon na nasa ayos
Di malaman ang gagawin… di malamang oh lubos
Pano kaya ang bukas, panibagong pagtutuos
Sige lang hayaan muna?para makapag isip
Hayaan munang makapag isip na sa buhay mawaglit?
Tatahimik na lang… ano pa nga bang ipagpipilit
Sige lang hanggang dumating ang landas ng pagsapit
Okey, di pa nga natatapos ang araw naaalala kana
Pano pa kaya sa linggong malilimot ng tadhana
Sa paglipas ng buwan, hihimlay ang nadarama
May pag ibig pa nga ba… may pag ibig pa nga ba
Pero kahit na ganito mga pangyayari sa buhay
Na ikaw minamahal sa piling ay kalayuan
Sa pagpikit ko ay naaalala ka at kayakap
Kalian pa kayang muli halik mo malalasap



Ngayon tuluyan nang magaganap ang pagkakalayo
Si mahal at ako, mapupunta sa magkaibang dulo
Masakit man isipin ni ang sa buhay ay tanggapin
Ganun talaga ang kapalaran mapaglaro oh alipin
Sana isipin mo lagi ako ay nasa iyong tabi
Isipin mo lagi ang pag ibig sa iyo ay maluwalhati
Ito nadaramang ito tunay at di magbabago
Panahon man ay lumipas, ito ay mag aapoy ng todo
Oh mahal irog, aking sinisinta sa abang buhay
Nag iisa kalang nagpatibok ng puso ng walang humpay
Ang nag alis sa pangungulila at walang hanggang lumbay
Ngayon man ay may lungkot, yakap ang iyong alalay



Malayo man ay parang malapit rin aking mahal
Dahil ang sa puso ko ay yakap ka buong agdamag
Sa paglipas ng oras ay tila samyo ng umaga
Na naghahatid ng ibayong lagaya at tuwa
Tanging sa iyo iniaalay ang tula na ito
Kalakip ng aking damdaming tibok lamang ay sayo
Nang sa bawat titik ay hinulma ng pag aalala ko
Na may bulong n asana wag kang magbago mahal ko
Duyan iduyan ang pagaspas ng hangin tila musika
Wari naririnig ko ang tagapagpayapa saking wika
Na nagmumula sayo na may sambit oh mahal kita
Mag ingat k asana at gabayan ng Diyos na dakila
Oh sinta, siyang pinakamamahal aking hirang
Sa paglipas ng araw lalog sumisidhi ang siyang
Nararamdaman sayo hanggang sa makasama kang
Kayakap at sa buong magdamag na walang hadlang


Tumitibok tibok… tok tok tok….kalabog
Tila sinlakas ng galit ng sa langit oh kulog
Tila lasing na sa bung barangay bumalagabog
Bog bog bog… puso ko iyan, lungkot wag pumasok
Love duv love duv, tinig ng aking puso
Na kapag ikay naaalala bumibilis ang tibok nito
Hihinto pasumandali, normal pa naman ito
Lubos na umiibig, nagmamahal ng totoo sa iyo
Na kahit ano pang tunog ang lumabas at marinig
Di magbabago ang damdaming sayo pakikiniig
Mananatili k asana, dahil dati pa nasabi na
Na ikaw na nga ang iniirog oh sinisinta

No comments:

Post a Comment