Blog ng Ambisyosong Manunulat...

Total Pageviews

Wednesday, June 13, 2012

Music Mode p4 (Kamusta Ka)



Freddie Aguilar
Kumusta Ka lyrics

Kumusta ka aking mahal
Sana ay nasa mabuti ka
Sana'y iyong naririnig
Baka ka magising.

Mga gabing mapaglahad
Dinadaan sa awit
Nalulungkot kong damdamin
Naaliw na rin.
http://www.lyricsmode.com/lyrics/f/freddie_aguilar/kumusta_ka.html ]
Chorus:
Panaginip ko'y laging ikaw, sinta
Kahit na dilat yaring mata
Kahit na malayo ka'y
Parang kapiling ka
Mahal, kumusta ka.

Malalim pa itong gabi
Malamig ang simoy ng hangin
Kung mayayakap lamang kita
Lamig ay di madadama.

Repeat Chorus:

Kumusta ka aking mahal
Sana ay nasa mabuti ka
Ako'y wag mong intindihin
Nakaraos din.

Coda:
Kumusta ka aking mahal


:-Kamusta ka aking mahal by Freddie aguilar. Heto kasi malayo ako. Iyong lugar na tipong parang malayo na sa mundo. Bayan na maliit tapos talagang mainit. Umaabot siguro ng 40-45 degrees celcius. Iyong tipong maski gabi ay ganun parin. Pagkatapos wala pang ibang mapuntahan na matino. Makikita mo puro buhanginan. At kung me tao man hay naku wala talagang matino. Nasabi ko nalang sa sarili ko matapos ang isang taong kaligayahan, magdusa ka ngayon sa kainiitan. May internet naman kaso mahina ang signal, kailangan pumunta pa sa sala para makakuha nito dahil nasa opisina ang router. Kaya heto pag wala talagang magawa di man makatulog ng matino sa gabi. Parang kulungan kasi ang kwarto. Walang kabuhay buhay. Nanonood nalang ng pelikula kung natripan. Basta ang buhay tarabaho bahay sa araw araw.
Kamusta ka aking mahal… napapakanta nalang. Wala naman magawa upang ikay malapitan, mayakap at mahalikan. Sana ay nasa mabuti ka dahil ako medyo ok parin naman. Ganda talaga ng lyrics ga gabing mapaglahad dinadaan sa awit, nalulungkot kong damdamin naaaliw narin. Nakakaturok ng puso. Talagang dama ko ang bawat liriko nita. Iyong isa pa panghuling nito. Koy wag mong intindihin makakaraos din. Oo makakaraos din hanggang sa sumapit ang panahon natin… panahong makasama, makayakap at mahagkan ka sa piling.

No comments:

Post a Comment