Blog ng Ambisyosong Manunulat...

Total Pageviews

Wednesday, June 13, 2012

Lutong Pinoy p 3 (Ginisang Monggo, Beef Caldereta at Sinigang na Pata)


Kung sa pagkain nga lang naman ang usapan, sasabihin ko mahilig ako jan. ako yung tipong pag nagustuhan ko ang luto ay gusto ko subukan. Kung sa pagkain man din, ako yung walang kinikilingan. Sigurado akin iyan titikman at hindi hihindian. Sabi nga kasi magpasalamat at sa araw araw ay may nakahain sa lamesa. Marami nga kasi ang nagugutom at di makakain ng tama sa oras. Isang biyaya na lagi nakakain ang gustong kainin at lagi may pambili nito. Naalala ko pa nung mga panahon talagang tagaluto pa ko dun sa bahay ng tyuhin ko. Dun kasi ako natira habang nag aaral ng kolehiyo. Ang paborito nilang luto sinigang na isda o kaya naman ay pangat. Minsan din yung paborito ko na ulam ginisang munggo. Wow nakakamiss tuloy ang munggo. Iyong tipong sahog ay chinicharon na baboy na may halong dahon ng ampalaya. Hay. Minsan nga kinukuha nalang ang luto sa patsam (in short ng patsamba). Basta humahawig ang hitsura at lasa pwede na. lagi nalang nasasabi walang masamang luto sa gutom na tao (wow parang pelikua walang matigas na tinapay sa mainit na kape). At kung talagang masarap na luto at me matira pa tinitira iyan sa meryenda. Di pa makuntento pinapangat (pangatlong init) sa sunod na kainan. 

Ginisang Monggo 
Ingredients
1 pack Mung bean (about 3/4 lb)
1 tbsp garlic
½ lb pork, thinly sliced
1 cup spinach
1 pc medium sized tomato, chopped
1 medium sized onion, chopped
5 to 8 pcs medium sized shrimp (optional)
2 tbsp fish sauce
24 ounces water
1 pc beef cube (for flavoring)
½ cup crushed pork rind (chicharon)
Salt and pepper

Cooking Procedure
In a pan, put-in the water and bring to a boil
Put-in the beef cube and Mung bean and simmer until the Mung Bean is soft enough (about 35 to 50 minutes)
On a separate pan, sauté the garlic,onion, and tomato
Add the pork and simmer for 5 mins
Put-in the fish sauce and simmer for 10 mins or until the meat is tender
Note* If necessary, you may add water to help make the meat tender but make sure to add more time to simmer
Add the shrimp
Pour the cooked Mung beans and simmer for 10 minutes
Add the spinach and pork rinds (chicharon)
Add salt and pepper to taste
Serve hot. Share and Enjoy!


Beef Kaldereta 
Ingredients:
 1 kilo beef, cut into chunks
1 big can (350g) liver spread or ground liver
5 onions, minced
5 cloves garlic, minced
6 tomatoes, sliced
1 cup tomato sauce
3 green peppers, diced
3 red peppers, diced
4 pieces hot chilli peppers, minced
3/4 cup grated cheese
2 cups beef stock or water
1/4 cup cooking or olive oil

Kaldereta Cooking Instructions:
In a casserole, saut?©: garlic and onions in oil. Then add tomatoes, red & green pepper and chilli peppers.
Add in the beef, tomato sauce, liver spread and water or stock. Salt to taste and let simmer for at least 1 hour or until the beef is tender.
Add cheese and olives (optional) and continue to simmer until the sauce thickens.
Serve with plain rice
Cooking Tips:
Instead of beef, goat’s meat (kambing) can be used. If goat’s meat is used, marinate the meat in vinegar, garlic, salt and pepper for at least 15 minutes.
For a special kaldereta, do not use water or beef stock. Use an equivalent weight of onions to the beef (1 kg of onions : 1 kg of beef). The onions will serve as water to the dish.

Read more: http://www.pinoyrecipe.net/kalderetang-baka-recipe-beef-kaldereta/#ixzz1xYVYvbEX



Sinigang Na Pata ng Baboy (sour pork hocks)
Ingredients: serves 4-6

1 kl pork hocks chopped in serving pieces
1.5 liter water
1 pc medium onions (quartered)
2 pcs  medium tomatoes
1 pack sinigang sa gabi mix (for a liter soup)
8-10 pcs string beans (slice to approx 2 inches)
a bunch of kangkong (or bok choy optional)
1 pc of eggplant (sliced)
6 pcs ocras
100 gm of radish (slice)
100 gms of gabi
salt to taste 
* please slice vegetables evenly

Procedures:

in a large sauce pan, boil pork hock and onions in a liter of water for 30 minutes or until pork is half tender
add in vegetables in and seasoned with salt and sinigang mix. serve hot…


Music Mode p4 (Kamusta Ka)



Freddie Aguilar
Kumusta Ka lyrics

Kumusta ka aking mahal
Sana ay nasa mabuti ka
Sana'y iyong naririnig
Baka ka magising.

Mga gabing mapaglahad
Dinadaan sa awit
Nalulungkot kong damdamin
Naaliw na rin.
http://www.lyricsmode.com/lyrics/f/freddie_aguilar/kumusta_ka.html ]
Chorus:
Panaginip ko'y laging ikaw, sinta
Kahit na dilat yaring mata
Kahit na malayo ka'y
Parang kapiling ka
Mahal, kumusta ka.

Malalim pa itong gabi
Malamig ang simoy ng hangin
Kung mayayakap lamang kita
Lamig ay di madadama.

Repeat Chorus:

Kumusta ka aking mahal
Sana ay nasa mabuti ka
Ako'y wag mong intindihin
Nakaraos din.

Coda:
Kumusta ka aking mahal


:-Kamusta ka aking mahal by Freddie aguilar. Heto kasi malayo ako. Iyong lugar na tipong parang malayo na sa mundo. Bayan na maliit tapos talagang mainit. Umaabot siguro ng 40-45 degrees celcius. Iyong tipong maski gabi ay ganun parin. Pagkatapos wala pang ibang mapuntahan na matino. Makikita mo puro buhanginan. At kung me tao man hay naku wala talagang matino. Nasabi ko nalang sa sarili ko matapos ang isang taong kaligayahan, magdusa ka ngayon sa kainiitan. May internet naman kaso mahina ang signal, kailangan pumunta pa sa sala para makakuha nito dahil nasa opisina ang router. Kaya heto pag wala talagang magawa di man makatulog ng matino sa gabi. Parang kulungan kasi ang kwarto. Walang kabuhay buhay. Nanonood nalang ng pelikula kung natripan. Basta ang buhay tarabaho bahay sa araw araw.
Kamusta ka aking mahal… napapakanta nalang. Wala naman magawa upang ikay malapitan, mayakap at mahalikan. Sana ay nasa mabuti ka dahil ako medyo ok parin naman. Ganda talaga ng lyrics ga gabing mapaglahad dinadaan sa awit, nalulungkot kong damdamin naaaliw narin. Nakakaturok ng puso. Talagang dama ko ang bawat liriko nita. Iyong isa pa panghuling nito. Koy wag mong intindihin makakaraos din. Oo makakaraos din hanggang sa sumapit ang panahon natin… panahong makasama, makayakap at mahagkan ka sa piling.

Saturday, June 9, 2012

Pag-ibig

Ang pag-ibig ay maraming kahulugan mula sa ilang bagay na nagbibigay konting ligaya ("naibigan ang isang pelikula") hanggang sa pagbuwis ng buhay (pagkabayani). Maaari na isang masidhing damdamin ng pagtingin ang kahulugan nito, isang emosyon o nasa estado ng emosyon. Sa pangkaraniwang gamit, madalas na tumutukoy ito sa interpersonal na pagmamahal. Marahil sa malaking kaugnayan nito sa sikolohiya, karaniwang tema ito sa sining. Mayroong kuwentong pag-ibig ang karamihan sa modernong mga pelikula at tungkol din sa pag-ibig ang karamihan sa mga awiting sikat o musikang pop.

Sa relihiyon, partikular na sa Kristiyanismo, ang pag-ibig ang pinakadakilang biyaya o regalo ng Diyos sa tao; ayon sa Bibliya walang tao ang nabubuhay ng walang pag-ibig.

Mga Uri ng Pag-ibig ayon sa Lumang Griyego

Eros - pagmamahalan sa pagitan ng dalawang tao
Storge - pagmamahal sa pamilya
Philia - pagmamahal sa pagitan ng magkakaibigan
Agape - pagmamahal sa Dios
Filial - nagmamahal sapagkat siya rin ay minamahal bilang kapalit

Mga wika ng pag-ibig

Haplos o Haplos ng Pagmamahal
Regalo, Pagbibigay ng Regalo o Pagtanggap ng Regalo
Paglilingkod
Pasalita
Oras

1 Corinto 13: 1-13 (Bible)
Ang Pag-ibig
               1 Makapagsalita man ako sa mga wika ng mga tao at ng mga anghel, kung wala naman akong pag-ibig, para lamang akong kampanang umaalingawngaw o pompiyang na kumakalampag.2 Kung ako man ay may kakayahang magpahayag ng salita ng Diyos at umunawa sa lahat ng hiwaga, kung mayroon man ako ng lahat ng kaalaman at ng malaking pananampalataya na anupa't nakakapagpalipat ako ng mga bundok, ngunit kung wala naman akong pag-ibig, wala akong kabuluhan. 3 At kung ipamigay ko man ang lahat ng aking mga ari-arian at ialay ang aking katawan upang sunugin, a ngunit wala naman akong pag-ibig, wala rin akong mapapala!
               4 Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man, 5 hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa. 6 Hindi niya ikinatutuwa ang gawaing masama, ngunit ikinagagalak ang katotohanan. 7 Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at mapagtiis hanggang wakas.
               8 Matatapos ang kakayahang magpahayag ng salita ng Diyos, titigil rin ang kakayahang magsalita sa iba't ibang mga wika, mawawala ang kaalaman, ngunit ang pag-ibig ay walang hanggan. 9 Hindi pa lubos ang ating kaalaman at ang kakayahan nating magpahayag ng mensaheng mula sa Diyos, 10 ngunit pagdating ng ganap, mawawala na ang di-ganap.
               11 Noong ako'y bata pa, ako'y nagsasalita, nag-iisip at nangangatwirang tulad ng bata. Ngayong ako'y mayroon nang sapat na gulang, iniwanan ko na ang mga asal ng bata. 12 Sa kasalukuyan, tila malabong larawan ang nakikita natin sa salamin, ngunit darating ang araw na harapan nating makikilala ang Diyos. Bahagya lamang ang nalalaman ko ngayon, ngunit darating ang araw na malulubos ang kaalamang ito, tulad ng lubos na pagkakilala niya sa akin.
               13 Kaya't ang tatlong ito'y nananatili: ang pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig, ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.


Pag-Ibig – Yeng Constantino (song lyrics)

Ang pag-ibig, hindi parang cellphone
‘Pag naluma, papalitan
Ang pag-ibig, hindi parang damit
‘Pag may bagong uso, papalitan
Kung sabihin kong mahal kita
‘Yan ay totoo sinta
Huwag na ‘wag kang magdududa
Hindi kita binobola
Panghabang buhay ang pag-ibig ko sa ‘yo o sinta
Kahit na ika’y pumangit, hindi kita ipagpapalit
Panghabang buhay ang pag-ibig ko sa ‘yo o sinta
Kahit na ika’y makalbo, hindi ako magbabago
Aham… Aaham… Aaaham… Aaham..
Ang pag-ibig, hindi parang pagkain
‘Pag pinagsawaan, ipamimigay na lang
Ang pag-ibig, hindi parang pusa
‘Pag maingay, ililigaw nalang
Kung sabihin kong mahal kita
‘Yan ay totoo sinta
Huwag na ‘wag kang magdududa
Hindi kita binobola
Panghabang buhay ang pag-ibig ko sa ‘yo o sinta
Kahit na ika’y tumaba, hindi ako mangangaliwa
Panghabang buhay ang pag-ibig ko sa ‘yo o sinta
Kahit na magka-wrinkles ka, ikikiss pa rin kita
Aham… Aaham… Aaaham… Aaham..
Love is patient
Love is kind
It does not envy
It does not boast
It is not proud
It is not rude
It is not self-seeking
It is not easily angered
It keeps no record of wrongs
Love does not delight in evil
But rejoices with the truth
It always protects, always trusts, always hopes, and always perseveres.
Panghabang buhay ang pag-ibig ko sa ‘yo o sinta
Kahit na tupakin ka, iintindihin kita
Panghabang buhay ang pag-ibig ko sa ‘yo o sinta
Kahit na may kasalanan ka, iiyak ako pero papatawarin ka
Aham… Aaham… Aaaham… Aaham..
Aham… Aaham… Aaaham… Aaham..
http://videokeman.com/yeng-constantino/yeng-constantino-pag-ibig/#ixzz1xIjaPald



ang pag-ibig ay parang conjugation. 1 can change you a lot.

ang pagibig ay parang pera. easy come, easy go.

ang pag-ibig ay parang first day sa UP. nakakalito

ang pag-ibig ay parang Kipling bag. mahirap maghanap ng tunay.

ang pagibig ay parang alcohol. mahapdi.

ang pag-ibig ay parang pair earphones. kapag hindi iningatan, masisira ang isa.

ang pagibig ay parang graduation. hindi dito natatapos ang lahat. pero masakit parin.

ang pag-ibig ay parang palabas. may katapusan. pati rin itong tumblr na ito. tapos na.

ang pagibig ay parang susi at kandado. iisang pares lang ang meron sa mundo.

ang pagibig ay parang electromagnetic induction:
lumayo ka man o lumapit, magkakaroon pa rin.
pag wala kang ginawa, walang mangyayari.
hindi puwedeng palayo lang, o palapit lang. kailangan papapalit palit.
plus, mahirap siyang intindihin.


Ang pag-ibig ay parang sinampay. Nananakaw.

Ang pag-ibig ay parang lotto. Kailangang sumugal para maka-jackpot.

Ang pag-ibig ay parang joke. Minsan pilit.

Ang pag-ibig ay parang ihi. Kapag pingil masakit.

Ang pag-ibig ay parang washing machine. Paikot-ikot lang.

Ang pag-ibig ay parang tanzan. May premyo sa likod.



Oh kay sarap raw ang magmahal at mahalin. Anong tamis ang nadarama, parang nasa alapaap na ligaya. Damdamin ng dalawang puso na magkaiba ngunit nais maging isa. Simula ng malagkit na pagtitinginan na susuri sa bawat isa kung hanggang kalian at ano aqng makakaya para sa iniibig. Paano kaya dahil tama ang sabi-sabi na ang buhay ay parang sugal, kailangang magsakripisyo para sa kaligayahan.? Para sa pag-ibig, ano kaya ang kailangang mong ipusta o makakaya na itaya? Sabi pa nga dadaan ka muna sa butas ng karayom bago mo marurok ang alapaap ng kaligayahan. Sususong pa sa kamandag ng kahirapan para sa ligaya na inaasam asam. Isang simpleng paliwanag ang panliligaw? Hindi ba at nagsasakripisyo ng marami para sa sagot na matamis na oo. Handing ibaba ang lahat para buhatin lang sa pagmamahal ang iniirog. Iyong iba pa ngay pinapabayaan pa ang pag-aaral na sanggalang sana sa hinaharap. Handa mo bang isakripisyo ang lahat para sa pagmamahal na alam mong makapaghihintay sa tamang panahon at pagkakataon? Ang damdamin ng bawat nilalang ay pinagtatagpo sa pamamagitan ng pag-ibig, nararamdamang di nagsisinungaling, hindi patatalo ninuman. Lagging nakabantay si kupido para sa pagpana sa mga puso na isa ang mga tinitibok. Sa kahit anong oras, anong araw, sa kahit na anong paraan. Oh pag-ibig nga naman.-svj

"Love means to commit oneself without guarantee, to give oneself completely in the hope that our love will produce love in the loved person. Love is an act of faith, and whoever is of little faith is also of little love."
Only God can give unconditional love. He is the only one who can understand us. The one who will never leave us despite of troubles, hardships and trials God will always be around. Just kneel down and pray and humble down I guarantee you that he is there for you to listen and comfort you.

What we can give when we love?
We can never tell how LOVE works it is unexplainable. As we loved we should never be proud and give pride to all the things we did. Love is respect, trust and care and acceptance. Love is honesty and loyalty. No matter how we feel hurt still be make things right in a sense that we seems to be happy and complete even things go wrong. Moreover, distances can never be an obstruction to love one another. As long as you both know that you both love each other there’s nothing to get worried about. Instead make that an inspiration that the love you feel inside will be sweeter when the right time comes and you spend time together hanging around on the places that bring laughter and cheerfulness. Places that will be part of your memory as you grow old.
In loving we should not asked questions rather we should never complain and speak out. No one can really understand. It is the heart that truly speaks.
You are lucky if true love comes in your way in a short time, but it is luckier to know that you are chosen to be the last. It‘s simply because you will gonna spend the rest of your life to be part of your chosen someone. It is a great privilege for a lady to be introduced in the man’s family and to be his other half. Description: ^_^
What we cannot give?
I guess it’s the doubt that lies for sometimes yet that doubt is something that can build up love stronger. We cannot surrender our belief and freedom that much or that easy. We are human beings made with our own mind and emotions. We can never dictate someone to do the things we wanted it to be. However we can advice but we can’t put ourselves to the situation.
Nobody can give everything simply because we are created by God differently and we cannot give what we don’t have. Ideally speaking we should not create criteria and expectations to anyone.
It is not the face that matters but the character. Anyone can say I LOVE YOU but not everyone can wait and prove it’s true. I believe that true love can wait no matter how many days, months, years may passed by because if the feeling is true it will forever be fresh and natural. Love is worth living if we put God in the center of it. Love is same with the way of Life. There are many twists and turns. And the best way to do is to lift up everything to him because it is mend for us it will be given in right time. As what the bible says: In everything there is a purpose under heaven. God has given us the freewill to choose. ---cyp

Wednesday, June 6, 2012

ODA ng MAKATA (p.1)

    ODA ng MAKATA  -SVJ

Mga salitang lumalabas sa isipan ko sinta
Ikaw ang sinasambit, nasa akin g ala ala
Can’t explain to myself, oh bakit nga ba
How I miss you, ganun nga siguro talaga
Eh, hahawakan ko ang dibdib, mabilis ang tibok
Lalong lalo na kapag isipin kang lubos
Lilipas sandali, mga mata’y mapapaluha
Ehem… bubulong sa hangin oh mahal kita
Aabangan nalang ang araw hanggang sumapit sinta
Biglang hihiling na sana ang araw mahawakan, mayakap, mahagkan kang muli Inshallah…abot kamay na
-Serapio V. de Jesus



Bago matulog aking mahal ikay naaalala
Sa pagpikit nang mata ay ikaw ang nasa diwa
Kasabay ng bulong sa isip kamusta ka nga ba
Nang may paghingi ng paumanhin, pasensya
Di mawaglit sa isipan kung ano ang gagawin
Sa paglipas ng araw ay parusang nakalambitin
Di maiwasang magtanong ok kaya parin
Kakayanin pa bang maghintay ka gang sa pagdating
Parang oh kay tagal naman, oras na ay iikutin


minsan akoy nangarap na ako man lang ay bigyan
nang maylikha ng isang iniibig oh minamahal
iyong tipong manghihimlay at siyang mag aalay
ng wagas na kaligayahan, ng bawat isa hangad
hindi nagmadali, naghintay lang oh ng pilit
lagi nalang sa isip, sa maylalang walang kulit
kahit na minsan oh lagi nalang nagtatanong oh bakit
bakit laging ang damdamin ay yakap ng sakit
minsan pa nga ay naiisip na wala talaga
sa trabaho, tutok ang oras, araw at ala ala
maski ang paglayo nalang san bansa mapunta
at heto na nga, nakaapak sa lugar ng arabia

noong una wala sa isip ang magkaroon ng pag ibig
dahil narito sa ibang bayan, trabaho lang sa tuwid
ang mag ipon para sa kasaganaang hinahangad
at makapagsimula nang handa sa lahat nang labanan
hanggang sa dumating ang puntong, ikaw ay nakilala
sa pungay ng mata, akalay anghel na nasa lupa
oo alam ko sa sariling walang lakas at pag asa
pero ang kalooban, ang katulad mo ang ninanasa
nang malaman ang ngalan, ako ay ganun kasaya
nang sa facebook oh ang profile ay makita
oh ikaw na nga, puso ay tumibok ng bigla
may pag ibig na nadama, oh ikaw mahal kita

naisip ko tuloy sa lawak nitong buong mundo
sa layo ng tinungo ay ikaw natagpuan ko
mga pinangarap ay bigla nalang nangagsitotoo
ikaw oh sinta, ikaw na nga oh ikaw na nga
kaya mula noon ay ang sa obra naging maligaya
dahil may paglalaanan na ng impok ang nadarama
lalo pa nang ikaw ay sa aba napaibig pa sa ako
oh anong saya, parang katapusan na ng mundo

at nang mayakap ka... di ko talaga maikakaila
ang damdamin ko oh ganun sadyang kakaiba
at nang mahagkan ka para samyo ng rosas ang umaga
lumulutang sa hanging, umiindak sa masayang musika

at sa tuwing ikay kasama, laging ang araw ganap na
kasama pa ang buong lingong, ganun talaga saya
tila bang ang saglit ay katumbas ng walang hanggan
gaya nang aking pagmamahal, pang walang katapusan
oh mahal kita, di man masambit sayo oh aking sinta
pero laging sa puso ko, laman ka ng alaala
ang marinig lang ang tinig ay nagbibigay payapa
siyang nagiging lakas na tumayo, lumaban at magtyaga



Inisip ko dati, tunay na pag ibig na siya na nga
Ngayon isip na lang, nawala nang parang bola
Kagustuhan ba iyon ng tadhana oh sumpa
Oh pansariling desisyon, mali nga ba kaya?
Isa isa pumapasok sa isipan kung bakit pa ba
Kung bakit sangkatirbang bakit ang sagot ay wala
Kung saan huhugutin, di malaman oh sinisinta
Bakit nga pa ba… buhay ay ganyan pa nga ba
Ganyan naman talaga damdamin daw ay lumilipas
Ang matamis na ngiting ay ganun napaparam
Bakit ang nadarama, sakit ng rurok ng kalooban
Nang may pagsisising, bakit ganito kinalabasan
Paalam na nga ba? O umpisa lang ng bagong saya
Paalam na nga ba? O nais matuto lang ng tama
May pag asa pa nga ba?oh sadyang may tuldok na
Wag naman sana, kelan kaya tanggap ng oh aba
Hindi nga ba habang may pag ibig pa na natitira
Magpupursigeng tumayo, ipaglaban nadarama
Pero paano nga ba eh siya ay sumuko na…
Ipagpipilitan pa ba?oh aasa nalang sa wala?
Ano nga ba gagawin…ano nga ba oh Diyos
Ano ang gagawing desisyon na nasa ayos
Di malaman ang gagawin… di malamang oh lubos
Pano kaya ang bukas, panibagong pagtutuos
Sige lang hayaan muna?para makapag isip
Hayaan munang makapag isip na sa buhay mawaglit?
Tatahimik na lang… ano pa nga bang ipagpipilit
Sige lang hanggang dumating ang landas ng pagsapit
Okey, di pa nga natatapos ang araw naaalala kana
Pano pa kaya sa linggong malilimot ng tadhana
Sa paglipas ng buwan, hihimlay ang nadarama
May pag ibig pa nga ba… may pag ibig pa nga ba
Pero kahit na ganito mga pangyayari sa buhay
Na ikaw minamahal sa piling ay kalayuan
Sa pagpikit ko ay naaalala ka at kayakap
Kalian pa kayang muli halik mo malalasap



Ngayon tuluyan nang magaganap ang pagkakalayo
Si mahal at ako, mapupunta sa magkaibang dulo
Masakit man isipin ni ang sa buhay ay tanggapin
Ganun talaga ang kapalaran mapaglaro oh alipin
Sana isipin mo lagi ako ay nasa iyong tabi
Isipin mo lagi ang pag ibig sa iyo ay maluwalhati
Ito nadaramang ito tunay at di magbabago
Panahon man ay lumipas, ito ay mag aapoy ng todo
Oh mahal irog, aking sinisinta sa abang buhay
Nag iisa kalang nagpatibok ng puso ng walang humpay
Ang nag alis sa pangungulila at walang hanggang lumbay
Ngayon man ay may lungkot, yakap ang iyong alalay



Malayo man ay parang malapit rin aking mahal
Dahil ang sa puso ko ay yakap ka buong agdamag
Sa paglipas ng oras ay tila samyo ng umaga
Na naghahatid ng ibayong lagaya at tuwa
Tanging sa iyo iniaalay ang tula na ito
Kalakip ng aking damdaming tibok lamang ay sayo
Nang sa bawat titik ay hinulma ng pag aalala ko
Na may bulong n asana wag kang magbago mahal ko
Duyan iduyan ang pagaspas ng hangin tila musika
Wari naririnig ko ang tagapagpayapa saking wika
Na nagmumula sayo na may sambit oh mahal kita
Mag ingat k asana at gabayan ng Diyos na dakila
Oh sinta, siyang pinakamamahal aking hirang
Sa paglipas ng araw lalog sumisidhi ang siyang
Nararamdaman sayo hanggang sa makasama kang
Kayakap at sa buong magdamag na walang hadlang


Tumitibok tibok… tok tok tok….kalabog
Tila sinlakas ng galit ng sa langit oh kulog
Tila lasing na sa bung barangay bumalagabog
Bog bog bog… puso ko iyan, lungkot wag pumasok
Love duv love duv, tinig ng aking puso
Na kapag ikay naaalala bumibilis ang tibok nito
Hihinto pasumandali, normal pa naman ito
Lubos na umiibig, nagmamahal ng totoo sa iyo
Na kahit ano pang tunog ang lumabas at marinig
Di magbabago ang damdaming sayo pakikiniig
Mananatili k asana, dahil dati pa nasabi na
Na ikaw na nga ang iniirog oh sinisinta

Monday, June 4, 2012

Mga Kasabihang binago ng panahon... (basa mode)


https://www.facebook.com/pages/Pinoy-Laugh-Page/147338178666849

Mga Kasabihang binago ng panahon...

by Pinoy Laugh Page on Sunday, June 3, 2012 at 4:49am ·
Batu-bato sa langit, ang tamaan... sapul! 

Kapag may sinuksok at walang madukot, may nandukot.

Ang buhay ay parang bato, it's hard. 

Ang taong naglalakad nang matulin... may utang. 

Ang taong nagigipit...sa bumbay kumakapit. 

Pag may usok...may nag-iihaw.

Dont judge the book by its cover... if u are not a judge or else you will cover the book!

No guts, no glory... no ID, no entry.

Birds of the same feather that prays together... stays together.

Walang matigas na tinapay sa gutom na tao. 

Ang taong di marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan .... ay may stiff neck.

Birds of the same feather make a good feather duster.

Kapag may tiyaga, may nilaga. 

Kapag may taga, may tahi.

Huli man daw at magaling, undertime pa rin.

To err is human, to errs is humans.

Ang naglalakad ng matulin, late na sa appointment.

Matalino man ang matsing, matsing pa rin. 

Better late than later...

Aanhin ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago, mabuti pa ang bahay kubo, sa paligid puno ng linga.

Ang sakit ng kalingkingan, kailangan ng alaxan.

Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, lumaki sa ibang bansa. 

Kapag maikli ang kumot, tumangkad ka na!

Better late than pregnant - eto ang dapat motto ng kabataan ngayon.

Behind the clouds are the other clouds.

Aanhin pa ang damo.. kung bato na ang uso!

Its better to cheat than to repeat!

Do unto others... then run!!!

Pag di ukol, di bubukol...siya ay baog!

Kung may isinuksok, may mabubuntis!

Kapag puno na ang salop, kumuha na ng ibang salop.

Magbiro ka na sa lasing, Magbiro ka na sa bagong gising,'wag lang sa lasing na bagong gising.

When all else fails, follow instructions.

No man is an island because time is gold- ka praning to...

An apple a day.. is too expensive.

An apple a day, makes seven apples a week.

An apple a day cannot be an orange a day.

Hindi lahat ng kumikinang ay ginto.. muta lang yan.

kapag ang puno mabunga...mataba ang lupa! 

When it rains...it floods.

Pagkahaba haba man ng prusisyon ..mauubusan din ng kandila.

Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw minsannasa....vulcanizing shop.

Pag may isinuksok, may ipuputok. 

Pag may isinuksok, isuksok mo pa, harder!

Try and try until you succeed... or else try another.

Ako ang nagsaing... iba ang kumain. diet ako eh.

Huwag magbilang ng manok kung alaga mo ay itik.

Kapag maiksi na ang kumot, bumili ka na ng bago.

Pag may tyaga.. goodluck.

If you can't beat them, shoot them.