Blog ng Ambisyosong Manunulat...

Total Pageviews

Tuesday, January 3, 2012

Pag-ibig, oh Pasko na


Pag-ibig, oh Pasko na

Sa pagtatapos ng taong, mabilis na dumaan
Simoy ng disyembreng, ang sa bawat isa ay hinahangad
Pero sa piling ng abang lingcod iba ang lahad
Nadudurog ang puso, sawi ang puso ng salat

May ngiti sa mukha ang sa lahat nakikita
Ipagdiriwang na ang paskong, inasam ng makalima
Isa ay para ang lahat sama sama maipadarama
Ang pag ibig at pagpupuri, pagsilang ng nag-iisa
Na sa buhay siya ang tanging sinasamba
Itaas ang tagapagligtas na dumating sa lupa

Pinaghandaang mabuti, ang araw na pinakahihintay
Ngunit ang sa may akda ay panlulumong walang humpay
Inilabas na at iniayos ang mga parol at ilawan
Na sa gabi ay hatid marikit at kaligayahan
Mula sa baol ay ang tahanan, matiyagang pinalamutian
Ngunit ang sa pag-iibigan ay naroon sa kadiliman
Hiling n asana ay mahal, makasama sa kasiyahan
Akayin oh sinta yayakapin ng mahigpit sa tuwina
Sabay na pagsasaluhan ang gabing nilimot n gala ala

Alam ko na sa pagkakataong ito ay lubos na naiiba
Sa selebrasyong ito ngayon kumpara sa naganap na
Dahil ang bituwin ng buhay ay ikaw natagpuan na
Ipagsisigawan sa mundong mahal na mahal kita
Ikaw oh ikaw, ang sa piling siyang mahalaga
Habang sinasambit ng kalooban… Pag-ibig, oh pasko na.

No comments:

Post a Comment