(My One Desire is to be with you My Lord)
Kamatayan, isang salitang kinakatakotan ng ilan pero isang kaganapan ng kaligayahan sa karamihan. Alam ko naman na ang lahat ay ito ang pupuntahan. Alam ko namang ang lahat ng bagay sa mundong ito ay pansamantala lamang. Gaya nga ng sabi… ang lahat ay nanggaling sa alabok at sa alabok din ang patutunguhan.
Pero sa lahat ng mga ito na alam natin na tayo ay magwawakas… natanong ba natin sa ating sarili kung bakit pa tayo nabubuhay sa mundong ito. Bakit pa tayong nananatili sa mundong ibabaw. Alam naman ng bawat isa kung ano ang buhay na nararanasan…kahirapan, kaguluhan, at araw araw na pakikipaglaban para mabuhay. Hindi nga ba minsan naiisip natin na ayaw na naman tumayo, ayaw ng makipagsapalaran at ayaw ng makipaglaban…pero ano nga ba ang magagawa… ayun at naghihintay nalang kung ano ang kahihinatnan sa araw araw. Hinihintay nalang na matapos ang bawat araw. Pano kaya kung maranasan natin ang mga nangyayari sa iba.. yung tipong wala ng makain, yung tipong maski sa tubig ay wala ni mainom at hinihintay nalang na bumigay ang kawawang katawan at mamatay nalang. Ang hirap noh…kaya mas maswerte pa nga tayo at lubos na magpasalamat dahil nakakain natin ang gusto… nabibili ang lahat ng naisin. Kaya habang humihinga mag enjoy lang, habang nag eenjoy ay magpasalamat. Magpasalamat sa dakilang lumikha at alamin ang dahilan kung bakit heto at narito parin, heto at buhay.
Sa pagpikit ng aking mga mata habang nakikinig ng kantang one desire napabuntong hininga ng malalim sabay bulwak ng isipan ang maraming emosyon at unti unti parang pigil ang pagtibok ng puso sabay ang hiningang unti unti ring napapatid. Sa kunting katahimikan maraming mga pangyayari ang isa isang lumilitaw sa idipan na di ko lubos na maintindihan. At nararamdaman ng lubos na kalungkutan at pagkalma ng nararamdaman sabay ang unti unti pag agos ng luha sa mga mata. Naalala bigla ang mga mahal sa buhay na nagging bahagi ng aking pagkatao. Ang lolo at lola ko sa aking ina, ang lola ko sa aking ama, ang kapatid ng aking mama na sa kahit ganun ang sitwasyong nasa di maayos na katinuan ay naghatid ng malaking bugso sa aking buhay, mga kapatid ng aking ama at mga kaibigan. Unti unting lumalabas na para bang nanonood ng pelikula nung mga panahong sila ay mga kasama pa na kitang kita ang ngiti sa kanilang mga mata na naghahatid ng masayang umaga. Saka biglang nanlamig ang buong katawan sabay ang pagtayo ng mga balahibo sa balat ng di inaasahan na para bang yumayakap sakin at nagpapahiwatig ng di ko malaman. Sa malayong lugar na kinaroroonan ay nagpapakita sa aking isipan isa isa ang aking mga magulang at mga kapatid… ama at mama, evelyn Jocelyn Christian joy at rose ann na nakangiti sakin. Biglang nanikip ang dibdib na parang sinusubukang di huminga ng sa ilang sandali ay biglang habol sa hininga. Biglang lumitaw sa isipan ang katanungan pano kaya ako sa kamatayan? Asan ako? Anong ginagawa ko at ang pinakamatinding tanong ay handa na ba akong mamatay? Bumigat ang kaloobang di ko man lang masagot sabaya balik muli sa umpisa bakit nga ba ako buhay pa.. bakit nga ba ako naririto at ano pa ang halaga na akoy nananatiling humihinga. Bakit nga ba ako masaya? At biglang lumitaw ang isang ikaw na anyo na sa akin ay nakangiti. Basta ang alam ko may dahilan at ako ay naririto…may dahilan ako para lumaban… may dahilan pa para maging masaya… nananampalataya ako sayo panginoon.
No comments:
Post a Comment