Minsan dumating yung puntong hiniling natin n asana nagging superhero nalang tayo. Lalong lalo na kung dumarating yung pagkakataong hirap na tayo sa buhay at akala natin tila wala ng pag asa pa ang mangyayari. Yung tipong parang wala na tayong maaasahan higit pa sa ating sarili. Ako man… nangarap din… nangarap maging si Spiderman.
Maraming mga superhero ang mga nariyan na nagsilabasan ng magsimulang pumatok sa babasahin papuntang palabas ng television hanggang sa lumanding na sa pelikula. Nariyan sina Superman, wonderwoman, batman at iba pa. gayon rin ang mga pinoy superhero na sina Captain barbell, darna, super inggo at iba pa. Sila iyong mga nilalang na mayroong simpleng buhay at dahil sa taglay nila ang kabutihan ng kalooban ay nabigyan ng kapangyarihang sa panaginip ay di nila inisip.
Trivia. Si Spiderman ay gawa ni Steve Ditko, isang Amerikanong manunulat at mangguguhit. Isinapelikula nung 2002 at nasundan ng dalawang pelikula pa ng mga 2004 at 2007. http://en.wikipedia.org.
Taglay ang kapangyarihang katulad ng gagamba, mabilis, maliksi, malakas, at may matibay na sapot… di matinag si Spiderman. Nag umpisa ang kwento nito mula sa isang normal na mag aaral na laging api api, pinatritripan at pinagkakasiyahan. (watch spiderman trilogy). Nakagat ng bagong specie na gagamba at nagkaroon ng kapangyarihan.
Mabilis. Sa kahit na anong pagsubok ang dumating ay mabilis na hinaharap at biibigyan ng solusyon. Mabilis pa sa alas kwatro na handang tumulong sa lahat ng nangangailangan. Maliksi na sa kahit na ano mang kalaban ay kayang harapin at labanan. Malakas at matibay na di sumusuko sa kahit anong laban at higit sa lahat nasa lupa ang mga paang tumulong sa lahat ng nangangailangan kahit na iwan ang sariling nararamdaman alang alang sa tao.
Naging malapit at nagkaron ng malaking impact sakin ito dahil parang ako si spiderman bago nagkaroon ng kapangyarihan. Walang lakas ng loob sa sariling katalinuhan at kagalingan, ni di man lang makumusta malapitan at makausap ang minamahal, at laging nangangarap na lang na magkaroon ng ibayong lakas at kapangyrihan.
No comments:
Post a Comment