1. Silvertoes. Kung di naman kagandahan, huwag nang mag inarte. Palagi kong naririnig mula sa kasama ko. Di ko naman sinasabi katulad siya ng tinutukoy nung kanta pero para sa kanya ang kantang to at gusto ko ang Kanta na ito. Di ko ba malaman kung bakit pag naririnig ang kantang ito ay siya agad ang naaalala. Sayang akala ko ok na eh… yun pala sablay. Haha. Marami nga namamatay sa maling akala.
2. Maniwala ka sana. College schoolmate kung saan nameet at nagging malapit rito. Maganda, mabait at kay ganda ng ngiti. Pagkapasa ng board nagging mas close pa kami at dumating sa puntong mahal na nga at ayon, masaya na. di napapansin nung unang nakilala pero dumating ang punto na nabighani at nahulog ang loob ditto. Kaso ayon bigla rin nawala at nalaman nalang buntis at may asawa na matapos magpaalam sa di malaman na dahilan.
3. Sayang. Nasabi nalang nung nalamang nag asawa na ang maganda at mabait na dalaga na kapitbahay ng tinirhan habang nasa college. Siguro nga dahil walang tiwala sa sarili at sobrang bait ng pamilya nya sakin kung kaya di man nagawang bigyan ng kahulugan ang maganda at malapit na samahan namin. May pagkakataon pa namang magaan na ang loob at siguro ok na rin ang trato sa isat isa. Yun nga lang nasabi nalang ngayon, sayang bakit hindi kita niligawan.
4. Halaga. Para ito sa mga kaibigan (friend)hh na malapit na mga babae na kung saan lagi na ngang niloloko ng kanilang mga boyfriend ay ayon lagi pa ring umaasa ditto. Ang dami dami naman jan na iba kaso lagi nalang humihingi ng payo pagkatapos masabihan ay ayon wala paring pagbabago, lagi paring umiiyak at naghihintay ni umaasa na babalikan at di na muling lolokuhin ng gago nilang kasintahan.
5. Sorry na. lagi na lang kinakanta habang nag iisip ng paraan para patawarin ng minamahal. Minsan talaga sa buhay dumadating ang puntong di nga nagkakaunawaan pero ok lang at nagiging maganda pa rin ang samahan at mas lalo tumitibay ang magandang samahan. Pero habang nagpapaliwanag hindi nakaluhod at nakayuko ah.gaya ng kakilala ko rito sa Arabia.hh
6. Swimming beach. Mga 4 months narin rito sa Arabia. Wow init at lagi nalang trabaho, bahay ang ginagawa. Kaya habang pinaparinggan ito ay o kay sarap isiping naliligo sa beach ng walang bawal, hanggang magsawa at marelax ang katawan. Wow beach.sarap.
7. How to make a lovesong. Mahilig kasi ako sa kanta at oo minsan napapakumpas ako at nakakagawa ng kanta. Wow inspired pero kaso karaniwan malungkot ang indak. Sarap kasi pagbulay bulayan ang pintig ng nadarama habang inilalabas mo at bigla makakabuo ng kanta. Kaso lang… di ako marunong mag gitara.
8. Gitara. Ang instrumento na nais matutunan dahil nga mahilig ako sa kanta at lagi nalang nasasambit kaso ang kanta ang di mahilig sa akin. Hehe. Gusto ko kasi pag nagpropose sa ihaharap sa dambana ay aawitan habang kinukumpas ang gitara sa isang isang habang nasa outing o hiking. Wow hanep mangarap na nasa isang sulok naggigitara at masayang umaawit ng masasayang kanta.
No comments:
Post a Comment