08/2007
Kasasagot lang sa kasintahan itong si Mae sa masugid nitong manliligaw na sa mahaba haba ring dalawang buwang pagsususyo ay nakamit din ang inaasam asam nitong si Joel. Kaya ngayon mababawasan na sa pag ukol ng panahon nitong si Mae sa mga matatalik na mga kaibigan, sina Raul at Jane. Ang samahan nilang panahon ang lumalang ay heto at pinatitibay parin ng pagkakataon.
Hindi ba at nararapat na maging masaya itong si Raul para sa kaibigan sa pagkatagpo nitong si Mae sa minamahal? Pero at bakit gayon na lamang ang pagkadurog ng puso ng binata at tila bagang may pagsisisi sa kanyang pagkatao nitong pobreng lalaki. Hindi nga ba kaya pag aalala lang nito para sa kaibigan ang kanya ngayong nararamdaman sa pagdududa kay Joel na saktan ang matalik na kaibigan o dahil sa selos lamang na nadarama dahil sa lihim nitong pagtingin.
Halos di maunawaan ni Jane ang kaibigang si Raul. Sa pagkikilos nito at pananalita ay tila bang may laman at pinahihiwatig sa magkasintahang Mae at Joel. Tila naghihiwatig ng pagseselos o pag aalala para sa kaibigan mawari para din a ito ang dating kakilala. Ngayon sa pangyayaring nagaganap sa pang araw araw na pamumuhay ng kaibigang si Raul na sa loob loob niya’y pagtingin ding panahon ang nagpausbong.
Unang araw magkakasama ang matatalik na magkakaibigan kasama ang kasintahan ni Mae ay heto natutulala ang pobreng si Raul. Ibang iba sa dati na kung saan ay humihiwalay na sa mga kasamahan at siya nalang ay nagmumuni muni habang pinagmamasdan ang mga kasama. Tila may napakalalim na iniisip ang maaaninag rito habang kinakausap. Laging wala sa sarili at nalulungkot. Sa loob loob ni Raul…
Sana ako ang kaliwaliw mo sa kaligayahan o mahal kong Mae. Sa tinagal tagal ng panahon na pagkimkim ko sa alab nitong aking puso ko para sa iyo ay heto at pakakawalan ko na lamang sa hangin. Nagsisisi at naaawa sa sariling ang mahal ay mayroon ng iba. Na sana ay maligaya ako dahil maligaya ka sa kanya ay heto lungkot ngayon ang nadarama.
Nag-aalangan ang lalaki sa ikareresulta kung aaminin ang damdamin sa kaibigan kaya sinarili nalang ang pag ibig kasabay ang takot sa pusong maangkin ng iba ang puso ng kaibigan at heto na nga naganap na ang kanyang kinakatakot.
Matagal ring panahon na din a muling nakiniig pa sa mga kaibigan itong si Raul. Naaalala pa nito ang nakaraang maligaya sila, magkasama sila at mahal nila ang isat isa. Kung paano nila pinagliligaya ang kani kanilang mga araw.
Napansin ni Jane na masyado at nasasadya nang umiwas itong si Raul sa kanila at lubha ng nag iba ito ng pakikitungo. Di nito maunawaan ang kaibigan sa pagbabagong nagaganap rito. Iniintindi na lamang nito baka marami lang talga pinagkakaabalahan ito.
Dahil sa napansing panlalamig, napagpasyahan ni Mae ang pagdalaw kina Raul na dati rati naming palaging ginagawa lalo na kung kinakailangan nito ng masusumpungan sa problemang pampamilya. Dahil sa paghihiwalay ng mga magulang na nag ugat sa di nito mangag intindihan. Nagging lakas nito ang kaibigan ng di man lang naramdaman na nahulog nap ala ang loob nito.
Pagdating kina Raul ay agad agad hinanap at pinagtanong sa pamilya nito ang kaibigan. Dahil rito dali dali tinungo ni Jen ang kuya nito dahil kilala naman nito ang naghahanap. Laking gulat ng magsabi itong masama ang pakiramdam at nahihirapang bumangon matapos malaman kung sino ang naghahanap dito. Dahil rito nagpasya itong pasukin na lamang ito sa kwarto at kausapin pero din a ito pinagbuksan pa.
Malayo layo pa ang dalaga ng mapansin nitong papalapit sa kanila ang babae ng nagmamadali itong nagpasok ng kwarto at nagdahilan muli na masama ang pakiramdam ng sumunod na araw na pagdalaw rito. Dun na natanto ng dalaga na sinasadya nga nito ang pag iwas sa babae.
Dahil sa pag iisip napagtanto ng binata ang mga pangyayari at pinilit nalang na tanggapin ang lahat.
At bigla na lang ng ganuung kabilis ang panahon ay nakipag ayos at nakitungo ng matiwasay sa mga kaibigan. Nakapagtataka man ganun ganun lang kabilis ang lahat at nagdududa man sa pagkilos ng kaibigan ay masaya narin ang mga ito sa muli at nalalapit na pagbuo ng kanilang samahan.
Kaarawan ni Mae sa sususnod na linggo at nagsasabi na ng pag iimbita sa mga kakilala nito at mga kaibigan. Syempre hindi pahuhuli ang mga pangunahing bisita ang mga matatalik na mga kaibigang sina Raul at Jane. Dadausin ito sa kanilang bahay sa papalapit na edad 20.
Dumating ang araw ng pagsilang ni Mae at anong ligaya niyang naroon nga lahat ng mga inimbitahan. Nagging maayos ang programa at nagkayayaang magsiinom ang lahat ng alak bilang natatangi sa selebrasyon.
Di naglaon nalasing ang lahat at nagkakayayaan ng magsiuwian. Dahil sa din a maasikaso pa ng may kaarawan ang mga bisita para ihatid sa labas ang mga ito ay nagpresenta nalang ang kasintahan na siya na lamang mag asikaso sa mga magsisiuwian.
Dahil sa kalasingan ng kaibigan, nagpasya na lang si Raul na buhatin si Mae at dalhin na sa kwarto ng makapagpahinga. Pagdating sa loob ay heto at bakit akit ang hatid ng makalamang pita. Dahil na rin siguro sa pag ibig niya kasama at sa nagging ayos nitona pagkataas ng suot ng gown ay lumabas ang alindog ng babae. Lumitaw ang ganda ng pangangatawan at iyon nahulog naman sa bitag ng laman ang isa. Tumabi ito at nag umpisang maglakbay sa ibang mga mundo ang mga kamay nito kasabay ang mga labing dumadampi sa ibat ibang bahagi ng katawan ng babae. Nag umpisa sa may leegan pababa roon sa malulusog na hinaharap. Habang ginagawa ito’y wala na sa malay tao ang kasama at makikita na lamang rito ang pananabik sa ginagawa.
Hanggang sa di inaasahang pagpasok nina Joel at Jane. Laking gulat at pagkabigla ang namsdang ayos ng dalawa. Nadala sa akay ng galit ang binatang si Joel dahil sa ginagawa sa nobya at gayon nalang nagdilim ang paningin nito para pagsusuntukin ang isa hanggang maabot ang gunting sa tabi ng salamin at di namamalayang mapagsasaksak si Raul. Sa bilis ng pangyayari naganap ang pagkakitil sa buhay ni Raul. Dahil sa namasdang dugo ay biglang bigla nahimasmasan itong si Joel ng may pagsisisi.
Nagising si Mae at nakita ang ganuung ayos, nakahandusay si Raul at naliligo sa sariling dugo na nasa upuan si Joel na duguan din. Wala na run si Jane na nakasaksi sa lahat dahil sa lubhang takot at pagkabigla.
Sa bigla ay nagsisisgaw itong si Mae. Pinipilit mang ipaliwanag ang panig ni Joel pero din a iniinda pa ni Mae. Di na siya biniyan ng pagkakataon para sabihin ang tunay na pangyayari.
Nagsidatingan na ang mga pulis at dinala na sa presento si Joel. Dahil sag alit, pagkasuklam at pagkaawa sa kaibigang si Raul, idiniin nito ang pinakamamahal na si Joel maski na alam niyang magiging dahilan ito ng pagkawala nito sa kanya. Dahil sa bigat ng kaso pwede itong masentensyahan ng ng kamatayan. Nagtatalo man ang loob pero naganap na ang lahat at nasabi na ang pagkadiin rito. Hanggang sa korte at siyanga, nahatulan nga ito ng kamatayan. Pilit man ipaliwanag nito na iniligtas ito sa pagtatangka sa kanya pero tila wala ng tenga pa nakakarinig sa kanyang mga salita.
Sa loob loob na lang npobreng binata walang pagsisising ginawa nga nya iyon alng alang sa minamahal. Nagawa niya iyon dahil sa pagmamahal at patuloy na gagawin para sa pagmamahal.
Di naman na mahagilap kung saang lupalop ng daigdig napunta itong si Jane na magiging kasagutan sana sa mga pangyayari.
Lumisan na ito sa kanilang tahanan at nagsadya ng umiwas para lamang mabigyan ng hustesya ang pagmatay ng matalik na kaibigan maski na alam niya sa loob loob na ito ay nagkasala at magiging dahilan ng pagkawala ng isa na naming buhay. Pero nagtatalo parin ang kanyang damdamin kung ano nga ang kanyang marapat na gawin.
Namatay si Joel ng may ngiti pa rin sa labi kung paano iningatan ang mahal kahit na minsan sa bahagi ng maliligayang buhay niya. Binurol ito at nadala sa huling hantungan ng payapa kasabay ng panalanging sana ay masaya siya, at oo lubos ngang masaya siya dahil sa nagawa.
Isang buwan ang lumipas ng sa din a matiis pang kunsensya ni Jane ang mga naganap na ay nagpasyang lumitaw at sabihin kay Mae ang mga pangyayari. Ang totoong mga nangyari sa gabing iyon. Para ipagsigawan ang katotohanan kahit alam niyang huli na nga ang lahat. At iyon, laking gulat ng may pagsisisi ni Mae na si Joel pala ay biktima ng sariling pagmamahal. Na siya pala ang dahilan kung bakit ngayon siya ay nasa maayos pa rin kalagayan. Ang nag ingat sa kanya laban sa mga gumagawa ng masama rito. Pero anumang pagsisisi, pagdadalamhati, lungkot at panlulumo na gawin ang babae ay wala ng magagawa pa dahil sa din a muling maibabalik sa kanya ang pinabayaang mahal. Hanggang sa dina niya matiis ay kinitil narin nito ang abang buhay kasabay ng panalanging sana ay bigyan siya ng pagkakataong ipagpatuloy ang naudlot na pag iibigan kay Joel magpasa walang hanggan.
End----08-0403-07
No comments:
Post a Comment