Blog ng Ambisyosong Manunulat...

Total Pageviews

Tuesday, June 28, 2011

Ang Pag-ibig (daw i mean bow)


Ang Pag-ibig

Gayun na lamang ang pag ibig ng Diyos sa sanlibutan kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.-Juan 3:16
For God so loved the world, that he gave his only begotten Son, that whosoever believeth in him should not perish, but have everlasting life. –John 3:16

Pag-ibig? Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng pag ibig? Bakit tayo ay umiibig? At marami pang katanungang hirap natin sagutin at bigyan ng pananaw. Pero hangad ng sulating ito na magbigay ng ideya sa buhay ng ibig sabihin ng napakalalim na salitng ito sa aking munting kaalaman at natutunan sa tana ng dalawamput apat na taong pamamalagi rito sa daigdig?

Love is blind, love mean that when u love someone and u can not get tham is real hurt u, love is a feeling that really can't be described, it's somthing you can only feel. It's about caring for somone deeply, and never wanting to let go. It's about thinking about them constantly, and no matter what they do, you can never stopping loving them. Even if your in a relashinship or not with them. Your completly comfortable with them, and you don't just like them because they are attractive. That's my best on explaining love, love means friend ship.the love has a blind eyes.love is a small word with a lot of meanings. i think the love is when you can't stop thinking about that special person, Love is something that is magical, but true love is an even greater love that lives deep within ones very fabric, when that love is awaken and everything is felt, the high that one gets is so heavenly. That is called many things. To truly feel this type of love will shock the senses. This love is a love that only says, i have accepted him/her as my equal and our heart, love and everything else is as one. That to me i call SOUL MATES. It exist and is very real. http://www.alphabet-soup.net/val/love.html

From Oh Pag-ibig naman, Oh kay sarap raw ang magmahal at mahalin. Anong tamis ang nadarama, parang nasa alapaap na ligaya. Damdamin ng dalawang puso na magkaiba ngunit nais maging isa. Simula ng malagkit na pagtitinginan na susuri sa bawat isa kung hanggang kalian at ano aqng makakaya para sa iniibig. Paano kaya dahil tama ang sabi-sabi na ang buhay ay parang sugal, kailangang magsakripisyo para sa kaligayahan.? Para sa pag-ibig, ano kaya ang kailangang mong ipusta o makakaya na itaya? Sabi pa nga dadaan ka muna sa butas ng karayom bago mo marurok ang alapaap ng kaligayahan. Sususong pa sa kamandag ng kahirapan para sa ligaya na inaasam asam. Isang simpleng paliwanag ang panliligaw? Hindi ba at nagsasakripisyo ng marami para sa sagot na matamis na oo. Handing ibaba ang lahat para buhatin lang sa pagmamahal ang iniirog. Iyong iba pa ngay pinapabayaan pa ang pag-aaral na sanggalang sana sa hinaharap. Handa mo bang isakripisyo ang lahat para sa pagmamahal na alam mong makapaghihintay sa tamang panahon at pagkakataon? Ang damdamin ng bawat nilalang ay pinagtatagpo sa pamamagitan ng pag-ibig, nararamdamang di nagsisinungaling, hindi patatalo ninuman. Lagging nakabantay si kupido para sa pagpana sa mga puso na isa ang mga tinitibok. Sa kahit anong oras, anong araw, sa kahit na anong paraan. Oh pag-ibig nga naman.-Serapio de Jesus

Hindi naman masama ang umibig, pag ukulan g panahon at pagkakataon ang isang tao. Ni ang tratohing reyna ng buhay. Iyong tipong gaya ng aking kakilala, Tawagin nalang nating MB (Mark B. in short, pwede ring Mark Bautista) na kung saan ay palaging bida sa tuksuhan. Di ko man malaman ang sitwasyon kung paano nakilala ang maswerteng dalaga na ito, di ko man alam ang kwento ng kanilang pagkaka unawaan, pero ang tanging malinaw ay ang mga keyword na malinaw na pag alala sa lipas na samahan, lipas na unawaan, ahem… lipas na pag iibigan?Keyword na kung saan ay missed call, holding hands, ngiti (pekeng ngiti raw) at maraming iba pa. Siguro nga ganun talaga at totoo nga dahil naiintindihan din natin ang sitwasyon na ganuun na magkaroon ng special na turing sa isang tao sa kahit na kunting panahon. Iyong tipong masaya ka sa ginagawa mo, buo ang araw mo, at complete sa inspirasyon  na sa kahit na anong pagod, hirap at sakit na nararanasan ay ayon ok ang lahat pag siya ay kausap, kachat at higit man ay kasama. Minsan nga nasasabi nalang mas maganda pang ako na lang ang masaktan wag ang siya, ako na ang mahirapan wag lang siya, ako nalang ang magdusa wag lang siya (napakasweet). Iyong linyang ibibigay ko sa iyo ang mga bituin sa langit para patunayan ang aking pagmamahal, ikaw ang magiging reyna ng aking buhay, susuungin ko ang butas ng karayom makasama ka lang.
Oo masaya sa nangyayari, oo maligaya ka ngayon, oo may ngiti ang iyong bawat oras, pero hindi ka tao kung di mo mararanasan ang pinakaayaw natin sa lahat, ang nagpapatunay na tayo ay tao at buhay pa, iyon ay ang masaktan. Masaktan sa dahilang di na nagkakaintindihan, di na masaya at marami pang iba na kung saan umabot sa puntong magkaron na sya ng ibang iniibig, at magkaroon ng panibagong kapayapaan. Pero higit dito ok parin at alam mong ginawa mo naman ang lahat para kayong dalawa ay maging ok. Sasabihi nalang, buti nalang iniwan mo na ako, buti nalang di pa nahulog pa ang loob mo, buti nalang at di mo ko minahal dahil sigurado lolokuhin lang kita…hehe(Papa Adel line). Pero kung sa puntong ganito(ang masaktan at magkaron siya ng panibagong mahal) na ang pangyayari ay marapat nalang na move on, tumayo, at  iwanan ang lahat. Gawing bahagi nalang ng kasaysayan at pagpapasalamat na kahit minsan ikaw ay nagging nahagi ng buhay. Iyan ay nakaraang di makakalimutan kaya gawin nalang na aral sa buhay.

Pero higit sa lahat ng mga kahulugan ng pag ibig na ito ay mayroong natatangi at naiiba. Iyong tipong iisa lang at tanging sa kanya lamang, siyang wagas at puro. Ito ay ang pag-ibig na mula sa ating panginoon. Pag-ibig na kung saan ay ibinigay niya ang kanyang bugtong na anak na si Jesu-Kristo upang ang lahat ay magkamit ng kaligtasan. Dahil ganun niya tayo kamahal, at ganun nalang na tayong mga anak nya inaalala ay gayun na lamang ang kanyang ginawa para sa ating mga pagkakasala.

 Ikaw kaibigan na nakakabasa ng sulating ito, ano ang kaya mong isakripisyo para sa iyong minamahal? Ano ang iyong kayang itaya para makamtan ang wagas na pag ibig? Di ba o kay hirap magdesisyon kung ano nga ba gagawin at dapat na gawin?

No comments:

Post a Comment