Pages

Wednesday, July 10, 2013

Mayo

Mayo
Araw ng mayo, ikalabinpito at labingwalo nan taong dalawampu labintatlo
Isang natatanging panahon na di malimutan nang abang lingcod mo
Panahong nakaguhit sa tadhana, pag iisa nang dalawang nagmamahalang puso
Ikaw at ako, patungo sa pangakong pag iibigang binuo nang sayat kalbaryo
Akala ko pa dati pangarap lamang ang lahat ng mga ito, oh mga ito
Pangarap nang isang taong makilala ang isang tulad mo, tulad mo
Sa layo nitong Arabia ay natagpuan ang isang magandang ikaw sinta ko
Nag makita ka ay napa ibig man din nang lubos ang aliping sunod sa iyo

Natatandaan ko pa ang nagdaang panahon nang ikaw ay makilala
Sariwa pa sa ala ala tila nakaukit sa puso kong syumisinta sinta sinta
Anong pintig nang puso ay di maipaliwanang, kakaba kaba kaba
Umaawit awit sa ligayang panahon ang dituy lumikha sa tuwina

Ikaw ikaw na nga, mga salitang sa pusot isipan ang tanging bigkas
Di lang sa kagandahan, sa kabutihan, sa mga ugali, lahat na ay sapat
Kaya ikaw aking mahal, ikaw na nga ang nag iisang ikaw oh ikaw lang
Sa habambuhay di magbabago, anomang bayo ang dumating sa samahan

May mga pagkakataon man na di magkakasunduan, tampuhan
Awayang walang nagpapatalo, parang gyera wala ni man katapusan
Pero lagi parin punto nang kaayusan, pag iibigan at kaligayahan
Kaya kahit ano mang iyang pagsubok, hawak kamay na lalabanan
Aking mahal.

**
Nagsimula sa ligawan, mensahian oh anong saya
Nagkakilala, masaya samahang kayganda
Lagging sa araw araw, buong maghapon para sayo
Oo mahal ko, sambit nang umiirog na puso
**
Di maipaliwanag ang nararamdaman, parang awit sa dalampasigan
Hangin ay pumapagaspas tila sa mukha ay humahalik sa kalamnan
Sa pagpikit nang matay  halimuyak ang bango nang Malaya
Sa lahat nang hadlang sa ting dalawa oh aking sinta sinta


Tuesday, March 26, 2013

Relihiyon 2 (Kaligtasan)

from google image

Relihiyon (punto)
http://serapiodejesus.blogspot.com/2012/03/relihiyon-punto_14.html


Relihiyon 2 (Kaligtasan)
May padasal dasal ka pa ng ilang beses sa buong araw
Nakakaloko ka kaibigan talagang nasa oras pa nga iyan
Ikaw naman kung makacross ka ay ganun ganun nalang
Wag masyado baka ikay maging isa nang kabanal banalan
Rosaryo mo pa ngay, nasa katawan saan saan pa man yan
Delikado yan baka pag nasabit mabigti ka nalang biglaan
Ano ba iyan anting anting o palamuti lamang oh lamang
Marunong bagang gamitin, di iyan laruan kaibigan oh kaibigan
Linggo linggo pa naman kung magsimba samba, sambahan
Ayun pala nag aabang lang sa kakatagpuin, doon pa naglandian
Pormado pa naman mga kani kaniyang kasuutan
Paglabas naman ay daig pa si hudas sa kademonyohan
Marunong nga sana, bulok naman ang sa bibig singaw
Akala mo kung sino propetang bulaan, mapaglinlang
Sa harap pa ng kalahatan nag babangayan bangayan
Ganyan ba ang halimbawang, katangi tanging nilalang
Akala mo kung sino kung makapagturo, bravo bravo
Sa pamilya mob a napaniwala mo na nga ba pwera biro
Anak mo nga basag uliro, gulo ang hatid sa distrito uno
Hay kaibigan pano ako maniniwala sa pinagsasabi mo mo

Magaling n asana eh, oh iyon palay kahanga hangal
Idol n asana ayon palay I don’t kapanipaniwala plal
Hiramin ko nalang linya ni Andrew at magalona kanta
Nasaan nasaan ang kaligtasan, nasaan nga ba kaya?
Ewan? nandyan? Nasaan ba? E di nasa dakilang maylikha
Si jesus lamang tanging daan purihin siya, sambahin siya.

Totoo ito basahin mga kaibigan, tama nga itong mga kababayan
Kantang hatid malalim ang mga laman, may punto katwiran
Ito ang mga linya, oh sadya talagang kahanga hangang kanta

kaw ba’y naniniwala na ika’y nagkakasala
Kung sinong mapagkumbaba ang siyang pinagpapala
O bathala, kaninong diyos ako maniniwala
Maraming napipinsala sa mga maling akala
Milagro, ang nangyayari dito sa kanto
Kung ano ang paniwalaan mo yun ang sundin mo
Dinggin mo ang sinasabi, sinasalita ng bawat labi
Iminumungkahi mga adhikain ng ating lahi
Sumasamba pero hindi sumusunod
Nakakakita pero hindi nanood
Nakakarinig pero mga bingi pareho
Tingala ang lahat dahil sa langit tumingin
Kaligtasan, pangangailangan ng sangkatauhan
Kung ayaw mong maniwala wag ka ng mangialam
Yan ang tanging paraan upang maintindihan
Ang pagkatao ng bawat nilalang
Nasaan? Nasaan? Ang Kaligtasan
Nasaan? Nasaan? Ang Kaligtasan
Nasaan? Nasaan? Ang Kaligtasan
Nasaan? Nasaan? Nasaan? Nasaan?
Nasaan? Nasaan? Ewan!
Nasaan? Nasaan? Ewan!
Nasaan? Nasaan? Ewan!
Nasaan? Nasaan? Ewan!
Nasaan? Nasaan? Nandyan!
Nasaan? Nasaan? Nandyan!
Nasaan? Nasaan? Nandyan!
Nasaan? Nasaan? Nandyan!
Iisa ang diyos, pero ang taong napakarami napakaraming sinasabi at lahat handang sumali
Sa kulto, puro litrato at mga rebulto
Simbolo pero walang pang-iinsulto
Saan ba talaga ang daan, handa ka bang mahawaan?
Kailangan bang malaman kung saan, kung saan? Ang pinagmulan ng buhay
Kanino ka sasabay? Lalakad ng tuwid o may saklay?
Iika-ika, na parang pilay
Walang saysay ang buhay kung walang gumagabay
Iisa lang ang gusto kong malaman
Kung nasaan, ang daan ng kaligtasan!!!
Sinong tunay na ministro, sinong mahusay?
Sinong aakayin o magdadala sa hukay?
Magpapasamba pero hihingin ng pera?
Ang di daw magbigay sa simbahan, etsapwera!
Ganun ba ang salbasyon, ng bibliya?
Ni minsan ang panginoon di humingi ng koleksyon
Kaya sinong nagbigay sa inyo ng kapangyarihan
Para sa lipunan maghari-harian!
Kunwari maka-diyos pero asan. Adik!
Nagpapayaman ng ka-demonyohan
Ni-rerespeto ko ang ministrong mahirap
Hindi nagpayaman, di rin nagpahirap
Eh kaso, ang hirap sa iba dahil sa pagsamba
Parang nangongolekta, minamanipula na parang matrikula
Di namin kilala pero di siya nag-iisa kasi ang dami-dami nila
Di ko nilalahat pero dead lahat sila
Pero kahit na palihis kanta yan ni Francis
Andrew E. wholsesome, maka-comedy
Pero sila mismo wala kang remedy
100 % El filibusterismo
Walang kaligtasan sa mga yamimismo
Kay Jose Rizal nga di ka nakapasa
Andrew E., Francis M. pa, Ha-Ha!!!

Saturday, March 9, 2013

Ang Numero Dose (12)





Ang Numero Dose.
Bakit nga ba sa dinami dami ng numero bakit nga ba 12. Ito maari ang unang tanong na lalabas sa isipan mo. Di ko na maalala kung kalian nagustuhan ang numero na ito. Basta sa pagkakataon na ito ito na ang tinatangi na nais sa lahat ng mga numero. Ahem siguro matapos mong mabasa ang akda na ito magugustuhan mo rin ang numero na ito.
Kapag narinig mo ang numero na ito iisipin mo ay dosena. Kung baga sa katawagan natin ay isang dosena kung banggitin. Usapan isang dosena, diba naman ito ang bilang ng buwan sa isang taon. Tanong na naman bakit nga ba 12 ang bilang ng buwan sa isang taon. Ahem tanong nga sa Wikipedia.com. labindalawa ang buwan sa isang taon mapa kalendaryong griyego o ng hijri.
Ay English hay… Hijri o Arabic calendar.
1.    Muḥarram — المحرّم, "forbidden" — so called because battle was set aside (haram) during this month. Muharram includes the Day of Ashura.
2.    Ṣafar — صفر, "void" — supposedly named because pagan Arabs looted during this month and left the houses empty.
3.    Rabīʿ I (Rabīʿ al-Awwal) — ربيع الأوّل, "the first spring".
4.    Rabīʿ II (Rabīʿ ath-Thānī or Rabīʿ al-Ākhir) — ربيع الثاني or ربيع الآخر, "the second (or last) spring".
5.    Jumādā I (Jumādā al-Ūlā) — جمادى الأولى, "the first month of parched land". Often considered the pre-Islamic "summer".
6.    Jumādā II (Jumādā ath-Thāniya or Jumādā al-Ākhira) — جمادى الثانية or جمادى الآخرة, "the second (or last) month of parched land".
7.    Rajab — رجب, "respect" or "honor". This is another sacred month in which fighting was traditionally forbidden.
8.    Shaʿbān — شعبان, "scattered", marking the time of year when Arab tribes dispersed to find water.
9.    Ramaḍān — رمضان, "scorched". Ramadan is the most venerated month of the Hijri calendar during which Muslims must fast between dawn and sunset.
10. Shawwāl — شوّال, "raised", as she-camels normally would be in calf at this time of year.
11. Dhū al-Qaʿda — ذو القعدة, "the one of truce". Dhu al-Qa'da was another month during which war was banned.
12. Dhū al-Ḥijja — ذو الحجّة, "the one of pilgrimage", referring to the annual Muslim pilgrimage to Mecca, the Hajj.

Ang Kalendaryong Griyego, tawag ko international calendar. May kanta pa nga ito eh. Enero, pebrero, marso, abril, mayo, hunyo, hulyo, agosto, setyembre, octobre, nobiyembre at desyembre… lubi lubi. Hh
Ang Kalendaryong ebreo naman, ahem syempre labindalawa din. Ito ay Tishre, heshvan, kislev, tevet, shevat, adar, nisan, iyyar, sivan, tammuz, av at elul.
Ang kalendaryong Ebreo (Ebreo: הלוח העברי, haluaẖ ha'ivri) ay isang lunisolar na kalendaryo at ang pansariling kalendaryong ginagamit ng mga Hudyo kasabay ng pang-araw-araw na kalendaryong ginagamit sa kanilang pook ng paninirahan. Sa kalendaryong Ebreo nakabatay ang mga petsa ng mga banal na araw sa Hudaismo.
Ang mga pangalan ng mga labindalawang buwan sa kalendaryong Ebreo ay ihinango mula sa wikang Akadyo, na nakuha noong panahon ng pagtapon ng mga Hudyo sa Babilonya, at hindi mahahanap saanman sa Bibliya. Mayroong dalawang pagkakasunod-sunod ang kalendaryo: isang sibil at isang pampananampalataya. Nakapanaklong ang mga anyong Ebreo.

Labindalawa din ang bilang ng apostol ni Jesus. Hindi nga ba nakakapagtaka at nakakamangha.
Kabilang sa mga naging unang alagad ni Hesus sina Simon Pedro, Andres, Santiago ang Nakatatanda (o Santiagong Mas Dakila), Juan,Felipe ng Bethsaida, Bartolome, Mateo, Tomas (kilala rin bilang Didymus), Santiago ang Nakababata (tinatawag din Santiagong Mas Mababa o Santiago ang Maliit, Hudas Tadeo, Simon ang Cananeo, at Hudas Iskariote. Si Matias (o Matthias) ang naging kapalit ni Hudas Iskariote. Bago mahirang si Matias, namili ang natirang labing-isang alagad sa pagitan nina Matias at Jose na tinatawag ding Barnabas.Hindi kasama sa orihinal o naunang labindalawa si Pablo ng Tarsus (o Saulo ng Tarso) subalit tinawag at tinuring siya bilang isang alagad o apostol ni Hesus, at iginagalang na katulad at kapantay ng ibang mga alagad.
Palaging nauuna sa talaan ng mga alagad ni Hesus si Simon Pedro (San Pedro) dahil siya ang pinuno ng mga ito. Kaugnay pa rin nito, para sa mga Hudyo, pinili ang mga alagad upang maging balangkas ng Simbahan o Iglesya ni Hesus, at pinili ang mga apostol mula sa mga alagad o tagasunod na ni Hesus, mula sa mga apostol ay pinili si Pedro.
Maiisip mo rin tingin ka sa relo mo. Diba hanggang dose din ang bilang nito. Isipin mo ring mabuti ang mga numero na ito. Sa araw araw ay bahagi ito nan gating kanya kanya buhay.

12 days of Christmas na kanta...
12 tribes of Israel in bible...
12 zodiac signs in chinesse...

Oh diba dami kung bakit 12 ang kakaiba at gustong gusto. Higit sa mga yang 12 na iyan ay… 12 nung kami ng pinakamamahal ko.Ang nag-iisa at tanging mahal sa aking buhay. Ayun. hm...

Tuesday, February 19, 2013

Ala ala ng Nakalipas-Pastor Raffy



Ala ala ng Nakalipas-Pastor Raffy

Isang pagkakataon sa buhay ay nagkaroon ng trabaho sa ibang lugar. Siguro itong mga trabahong minsan lang pagkakataon kung maging magkaroon. Habang nag uusap kami nung kasamahan habang bumabyahe papunta sa opisina ay nagging kwentuhan ang tungkol sa mga relihiyon. Sa dahilan na ito ay dali dali bigla nalang lumitaw sa isipan at nagkwekwento nalang bigla nang tungkol sa buhay nang hinahangaan kong tao, isang kaibigan, isang ama, isang kapatid at pastor na hatid nang pinakamahalagang aral sa buhay ko… si Pastor Raffy. Nakilala ko siya sa kapitbahay na tinitirhan ko dati nung akoy nag aaral pa sa kolehiyo. Bago lang ako nun sa lugar na iyon at mga hulyo nung taon na iyon first semester. Niyaya ako dumalo sa bible study sa kabilang bahay at di naman ako tumangi.
Kami ng aking mga magulang at mga kapatid ay myembro sa aming barangay na kapilya Immanuel Christian Church sa aming lugar. Nakamulatan ko na ang magpunta rito tuwing lingggo at natatandaan ko pa na kung ayaw ko pumunta ay magagalit pa ang aking ama. Sama sama kami nagpupunta ang tangi kong ala ala hanggang sa nung akoy makapasok ng mataas na paaralan ay biglang kaming nanlamig sa di ko man maipaliwanag na kadahilanan. Hanggang sa mag kolehiyo ako at makilala ang butihing pastor.
Sa bible study ay biglang namumbalik ang init nang aking nararamdaman at kauhawan sa salita nang panginoon na matagal nawala sa aking buhay. Alam ko sa ilang taon din na napalayo rito ay ako ay muling natagpuan ng dakilang pastol na ito. Sa mga turo niya ay nagging pagkain nang aking buhay at muli akoy muling magbasa nang salita ng Diyos. Parang sya pa nga nagbigay nung bagong tipan na bibliya na aking binasa nung panahon na iyon.
Minsan tama rin ang sinasabi nilang ang masamang damo matagal mamatay. Nasabi koi to dahil ang pastor na ito ay natapos nang maaga ang pakikipagsapalaran sa mundong ito. Di ko man inaasahan na sa ngiti na aking namamasdan sa kanya lagi, sa panghikayat na mga salita nya at sa mga malanghel na mga salitang buhay sa kanyang bibig ay nakalakip ang malungkot na bahagi ng buhay. Mayroon pala syang sakit at ito ay kanser. Sa pagmasdan sa kanya ay di nagging hadlang ang kanyang karamdaman upang patuloy na gawin ang kanyang misyon sa lupang ito. Nagging tulay siya sa maraming tao hanggang sa mabuo ang bahay sambahan sa lugar na iyon. Hanggang sa nalalabing araw nang buhay nya ay inialay nya sa paglilingkod. Kaya ngayon sigurado ako  siya ay may suot nang korona sa tabi nang panginoon at tinatamasa ang lubos na kaligayahab at kapayapaan di maipaliwanag. Maraming salamat.oo nalungkot din
Next-Uncle Tirso

Friday, January 25, 2013

Diyosa sa Buhanginan



Diyosa sa Buhanginan

Sige sige, maglakbay maglakbay hanggang sa duluhan
Libutin ang kabuuan niyang mundo nang kahiwagahan
Sige ibuhos ang likido nang kasiyahan, hanggang maduyan
Halina halina, oh mga kaibigan atin nang ipagdiwang

Sa paraisong naghahalo ang ligaya at kalungkutan
Para narin pinagsama ang ulan sa kainitan
Sa kadina nagpupumiglas makalaya unting sandal manlang
Makita mayakap ang irog bayang tinubuan mahal

Sa pagtunog ng trumpeta, mananalangin ang mga banal
Oo ang mga demonyo ay sadya talagang nagpapakahangal
Sa katamaran niyan lagi nalang atungal nang atungal
Nganganga nganga, nakaabang lang ang halimaw

May isang bulaklak akong nakita aking natagpuan
Sa matinik na kagubatan oh ito aking napagmasdan
Sa haba haba ng pinuntahan sa lahat ng kaganapan
Sadyang mahiwaga oh siyang dakilang nilalang

Ano k aba hirang oh dyosa sa malawak buhanginan
Sa init nitong lugar ay may marikit na kapaligiran
Ay mayroon isang ikaw kabigha bighani sa kadalagahan
Anong bilis ng pintig ng puso tila sa alapaap nakaduyan

Sa malawak na buhanginan wala na ni matanaw
Sa mabatong kabundukan ay isipan ay ayon lutang
Sa buong kaharian namayani ang ibayong pagmamahal
Na nagdugtong sa di maipaliwanag na nararamdaman
Ning gustuhin nalang ang lumipad makarating pa roon
Sa malayong dako di malaman kung saan pa doon iyon
Pero sa pisi parin ay babalik konektado bukirin oh poon
Sa tutubi ay dadalhin ng hanging lakas dumadaluyong

Ang makaniig ka ay perpektong sandali sa buhay na ito
Para pagsaluhan ang kaligayang sa buhay nagpapakatotoo
Iduduyan sa tuwina, walang iisiping kaba’t anupamang gulo
Heto narito ang lingcod alipin na handing sumunod sayo

Anupamang hadlang na iyan ay susuungin ni matapang
Walang aatrasan na labanan, sa katawan man o isipan
Para sa damdaming hinubog ng nakaraan’t kinabukasan
Kasabay ng kapangyarihang agimat ng walang hanggan

Paggising sa umaga ay laging panibagong pag asa
Sa pagbangon mo ay siyang hatid mahiwagang kabanata
Na mayroong halong damdamin lungkot at saya
Haggang sa makamtan ang paraisong sa buhay ninanasa.

Picture: Al Mithnab Al Qassim Kingdom of Saudi Arabia
            http://maps.google.com.ph/maps?hl=en&q=mithnab%20qassim&bav=on.2,or.r_gc.r_pw.r_qf.&bvm=bv.41524429,d.d2k&biw=1366&bih=643&ie=UTF-8&sa=N&tab=il