Blog ng Ambisyosong Manunulat...

Total Pageviews

Tuesday, February 19, 2013

Ala ala ng Nakalipas-Pastor Raffy



Ala ala ng Nakalipas-Pastor Raffy

Isang pagkakataon sa buhay ay nagkaroon ng trabaho sa ibang lugar. Siguro itong mga trabahong minsan lang pagkakataon kung maging magkaroon. Habang nag uusap kami nung kasamahan habang bumabyahe papunta sa opisina ay nagging kwentuhan ang tungkol sa mga relihiyon. Sa dahilan na ito ay dali dali bigla nalang lumitaw sa isipan at nagkwekwento nalang bigla nang tungkol sa buhay nang hinahangaan kong tao, isang kaibigan, isang ama, isang kapatid at pastor na hatid nang pinakamahalagang aral sa buhay ko… si Pastor Raffy. Nakilala ko siya sa kapitbahay na tinitirhan ko dati nung akoy nag aaral pa sa kolehiyo. Bago lang ako nun sa lugar na iyon at mga hulyo nung taon na iyon first semester. Niyaya ako dumalo sa bible study sa kabilang bahay at di naman ako tumangi.
Kami ng aking mga magulang at mga kapatid ay myembro sa aming barangay na kapilya Immanuel Christian Church sa aming lugar. Nakamulatan ko na ang magpunta rito tuwing lingggo at natatandaan ko pa na kung ayaw ko pumunta ay magagalit pa ang aking ama. Sama sama kami nagpupunta ang tangi kong ala ala hanggang sa nung akoy makapasok ng mataas na paaralan ay biglang kaming nanlamig sa di ko man maipaliwanag na kadahilanan. Hanggang sa mag kolehiyo ako at makilala ang butihing pastor.
Sa bible study ay biglang namumbalik ang init nang aking nararamdaman at kauhawan sa salita nang panginoon na matagal nawala sa aking buhay. Alam ko sa ilang taon din na napalayo rito ay ako ay muling natagpuan ng dakilang pastol na ito. Sa mga turo niya ay nagging pagkain nang aking buhay at muli akoy muling magbasa nang salita ng Diyos. Parang sya pa nga nagbigay nung bagong tipan na bibliya na aking binasa nung panahon na iyon.
Minsan tama rin ang sinasabi nilang ang masamang damo matagal mamatay. Nasabi koi to dahil ang pastor na ito ay natapos nang maaga ang pakikipagsapalaran sa mundong ito. Di ko man inaasahan na sa ngiti na aking namamasdan sa kanya lagi, sa panghikayat na mga salita nya at sa mga malanghel na mga salitang buhay sa kanyang bibig ay nakalakip ang malungkot na bahagi ng buhay. Mayroon pala syang sakit at ito ay kanser. Sa pagmasdan sa kanya ay di nagging hadlang ang kanyang karamdaman upang patuloy na gawin ang kanyang misyon sa lupang ito. Nagging tulay siya sa maraming tao hanggang sa mabuo ang bahay sambahan sa lugar na iyon. Hanggang sa nalalabing araw nang buhay nya ay inialay nya sa paglilingkod. Kaya ngayon sigurado ako  siya ay may suot nang korona sa tabi nang panginoon at tinatamasa ang lubos na kaligayahab at kapayapaan di maipaliwanag. Maraming salamat.oo nalungkot din
Next-Uncle Tirso

1 comment: