Ala ala ng Nakalipas-Pastor Raffy
Isang pagkakataon sa buhay ay nagkaroon ng trabaho sa ibang
lugar. Siguro itong mga trabahong minsan lang pagkakataon kung maging
magkaroon. Habang nag uusap kami nung kasamahan habang bumabyahe papunta sa
opisina ay nagging kwentuhan ang tungkol sa mga relihiyon. Sa dahilan na ito ay
dali dali bigla nalang lumitaw sa isipan at nagkwekwento nalang bigla nang
tungkol sa buhay nang hinahangaan kong tao, isang kaibigan, isang ama, isang
kapatid at pastor na hatid nang pinakamahalagang aral sa buhay ko… si Pastor
Raffy. Nakilala ko siya sa kapitbahay na tinitirhan ko dati nung akoy nag aaral
pa sa kolehiyo. Bago lang ako nun sa lugar na iyon at mga hulyo nung taon na
iyon first semester. Niyaya ako dumalo sa bible study sa kabilang bahay at di
naman ako tumangi.
Kami ng aking mga magulang at mga kapatid ay myembro sa
aming barangay na kapilya Immanuel Christian Church sa aming lugar. Nakamulatan
ko na ang magpunta rito tuwing lingggo at natatandaan ko pa na kung ayaw ko
pumunta ay magagalit pa ang aking ama. Sama sama kami nagpupunta ang tangi kong
ala ala hanggang sa nung akoy makapasok ng mataas na paaralan ay biglang kaming
nanlamig sa di ko man maipaliwanag na kadahilanan. Hanggang sa mag kolehiyo ako
at makilala ang butihing pastor.
Sa bible study ay biglang namumbalik ang init nang aking
nararamdaman at kauhawan sa salita nang panginoon na matagal nawala sa aking
buhay. Alam ko sa ilang taon din na napalayo rito ay ako ay muling natagpuan ng
dakilang pastol na ito. Sa mga turo niya ay nagging pagkain nang aking buhay at
muli akoy muling magbasa nang salita ng Diyos. Parang sya pa nga nagbigay nung
bagong tipan na bibliya na aking binasa nung panahon na iyon.
Minsan tama rin ang sinasabi nilang ang masamang damo
matagal mamatay. Nasabi koi to dahil ang pastor na ito ay natapos nang maaga
ang pakikipagsapalaran sa mundong ito. Di ko man inaasahan na sa ngiti na aking
namamasdan sa kanya lagi, sa panghikayat na mga salita nya at sa mga malanghel
na mga salitang buhay sa kanyang bibig ay nakalakip ang malungkot na bahagi ng
buhay. Mayroon pala syang sakit at ito ay kanser. Sa pagmasdan sa kanya ay di nagging
hadlang ang kanyang karamdaman upang patuloy na gawin ang kanyang misyon sa
lupang ito. Nagging tulay siya sa maraming tao hanggang sa mabuo ang bahay
sambahan sa lugar na iyon. Hanggang sa nalalabing araw nang buhay nya ay
inialay nya sa paglilingkod. Kaya ngayon sigurado ako siya ay may suot nang korona sa tabi nang
panginoon at tinatamasa ang lubos na kaligayahab at kapayapaan di maipaliwanag.
Maraming salamat.oo nalungkot din
Next-Uncle Tirso