Blog ng Ambisyosong Manunulat...

Total Pageviews

Friday, December 28, 2012

Diwa ng Pasko



Pasko, pasko, pasko na sinta ko ayun sa kanta
Awiting oh kay lambing, yumayakap sa hangin
Gulong gulo ang utak sumasabog sa tulin
Hay ano ka nga bang impyerno na nagaalipin
Kailangan bang magsaya magsaya magsaya
Oh umindak nalang sa tawa, tumawa ng tumawa
Parang may sira durog na makina, makina
Oh toyo mo, nagsisilaglagan na, laglag na

Taon taon nalang laging tinatanong, tanong?
Ano nga ba talaga ang diwa ng pasko nitong panahon
Hay nakakagulo ng isipan, litong lito, litong
Anuba nga naman tong buhay na oh ano ba tong.

Ika 25 na araw, ng desyembreng buhay na buhay
Sa lamig na simoy ng hangin, tila nag aawitan
Ipagdiwang ang pag alala ng tagapagligtas, oh pagsilang
Tinatawag na araw ng kapaskuhan, oh kapaskuhan

Sa edad na 25, 25 na taong pasko na rin nadatnan
Pero sa pagkakataong ito ang tangi at espesyal
Di maipaliwanag nang damdamin, emosyon at nararamdaman
Punom puno nang damdamin at pagmamahal
Dahil ikaw oh pag ibig ay sa tuwina ay siyang kaduyan
Kasama kasama, kayakap ng may lubos na ligaya
Lubos na saya sa alapaap ng pangsawalang hanggan
Pang walang hanggang isisilid sa puso hanggang sa katapusan

Nang dahil sa iyo, ang dahilan at diwa nitong panahon na ito
Na higit ang katumbas ni sa dyamanteng bato rito sa mundo

No comments:

Post a Comment