Pages

Friday, October 5, 2012

Music Mode 6: Tupang Ligaw



Tupang Ligaw

Malapit na namang lumubog ang araw
Dilim ng gabi’y darating na naman
Sa paghimlay mo isip mo’y naglalakbay
Nakatanaw sa kawalan
Lumipas na naman ang isang araw sa buhay
Takbo ng buhay mo’y di mo namamalayan
Sa bawat sandaling darating at papanaw
Buhay mo’y tila parang kulang
Koro:
Kayamanan at lahat ng kalayawan
Wala pala itong kabuluhan
Kung si Kristo ay wala sa iyong buhay
Para kang isang tupang ligaw
AD LIB
Sa bawat sandali darating at papanaw
Buhay moy’s tila parang kulang
(ulitin ang koro 2x)
Para kang isang tupang ligaw
Para kang isang tupang ligaw

-Ito naman ang kanta na malapit sa puso ko. Siguro nga sa sakit na nadarama at pag iisa ang aba ay tila nawawala di lang sa damdamin na nadarama maski sa spiritual na buhay. Oo alam kong akoy ligaw dahil sa layo ng kinalalagyan at sa hirap ng sitwasyun ng kapaligiran ay nahihirapang makipagsabayan. Dumating ang puntong tila nauudyukan na ang paniniwala at palitan nang relihiyong rito ay pagkalahatan. Mabuti na lamang at ang isipan parin ay naliwanagan. Alam ko na sa kahit man ako ay mawala sa dakilang lumikha lagi parin siyang nariyan sa akin, sa aking buhay aking kaagapay at laging karamay. Alam ko di nya ako papabayaan ni iiwan man. Ang buhay ko ay kulang kung wala ka panginoon. S Diyos ang kapurihan. Amen.
Natatandaan ko pa nga minsan narinig ng aking mga kasamahan. ang sabi ko nalang ay sikat ang kanta na ito pero di nila talaga alam. pero para sa akin. sikat man o hindi ang kanta... lagi nalang mensahe nito ang dapat bigyang pansin. 

No comments:

Post a Comment