Ang Pagsulat
08-0507
Matapos mabasang muli
at napagbulay bulay isa isa. "
Sa mga ginagawa, di naaalis sa
isipan kung ano nga ba dapat na hakbangin. Sa pag iisa ay pinipilit na
inilalabas ang laman ng damdamin sa pamamagitan ng pagsulat. Pagsulat kung saan
itinatala ang mga emosyon narito sa loob at nararanasan sa buhay.
Di man kagalingan, ni di pa
nabibigyan ng pagkakataon maging isang manunulat sa panulatan pero natatanong
siguro sa mga babasa o makakabasa sa mga akdang ito ay masasabi naming dir in
kapangitan o kagandahan ang laman nito. Di na matandaan pa kung kelan nag
umpisa maudyukan gawin ang mga bagay na ito. Ni wala man akdang naiilathala. Eh
parang nagsasayang lang ng papel at lapis na ginagamit rito. Eh wala ni manlang
napapala sa pinaggagawa na pag yari na ay iyon nakatambak nalang sa tabi.
Sa piling ng lingcod ay ang pagsulat
na ito ay nakakahatid ng malaking epekto sa pagkatao. Tumutulong ito ng
maraming bagay para mahubog ang tunay na ako. Basta sulat nalang ng sulat kahit
walang ideya. Basta lang mailabas ang binubugso ng damdamin patuloy na pumupuno
sa kalooban. Eto ako para maitala ang ako at maramdaman na lamang sa pagkabasa
sa mga ito. Kelan nagumpisa magsulat? Tanong na pumasok sa isipan. Sa
pagkakaalala ay nadiskubre ito unang taon ng kolehiyo. Pero labis na
kinagiliwan gumawa at maglaan na ng panahon sa sumunod na taon at gawin nalang
paraan para sa nararamdaman. Nag udyok dito ang isang guro sa Pilipino na
nagustuhan din ang ginawang tula
at namangha sa parehang mga huling mga tunog ng bawat mga taludtod. Pero labis
rito ay ang emosyon sa loob habang nag iisip at tuliro na sa buhay.
Nagging malaking replekto ito sa
buhay na nagging panghele na ito sa oras na walang mang magawa. Iton bang
sariling damdamin na ang nagiging mukha nitong mga akdang mga ito.
Dahil rito ay gumagaan ang kalooban.
Oo at di ito masyadong nabibigyan ng pansin di gaya ng iba pero sa puso ay higit pa ito kung
sususriing mabuti.
Di man pinapangarap na
maging tulad ng mga henyo gaya
nina Rizal na lahat ng akda ay kilala san man lugar at binigyan ng mga
parangal. Di man tulad ng iba ay pagkatapos sumulat ay agad agad nailalathala
ang mga gawa pero di pa rin nagsasawa at di magsasawa at patuloy pa rin itong
gagawin. Magsulat ng magsulat hanggang sa paglipas ng lahat, ito maglalahad ng
nakaraang kasaysayan.
No comments:
Post a Comment