Blog ng Ambisyosong Manunulat...

Total Pageviews

Friday, August 31, 2012

Dumi



Dumi
(tula)

Sinong ka nga bang nagmamalinis linisan
Basura ka pala ng sandaigdigan
Sa lahat ay wala ka bang kahihiyan
Dumi pa hanggang sa iyong kalooban

Ano at presentable ka namang tingnan
Kaaya aya ni ayaw ka man ni madungisan
Yun pala ay mantsado ka ng sanlibutan
Alagad ka pala ng diyos ng kamunduhan

Parang ang hirap isipin at tanggapin
Gulo ang hatid at sa lahat  ay umaalipin
Sa karamihan oh ayun ay napaibig mandin
Masakit, oh nakakadurog ng damdamin

Sayang lamang inukol na panahon
Panahong sana ay sumamba sa Diyos na Poon
Diyos ng nakaraan, ngayon at kinabukasan
Diyos na tagapagligtas at likas na makapangyarihan
1205040706

Dumi (Halaw)

Lumilipad ang isipan, nag-iisip ng malalim at makahulugan. Napapikit ang mga mata at sabay tingin sa kalangitan pagmulat. Hay, kayhirap talaga alisin sa mga isipan ang mga kalunos-lunos na mga pangyayari nagaganap sa daigdig. Mga gawang makalaman na di kalugod lugod sa isipan ng lahat lalo na sa Diyos na maylalang. Nakakagimbal, halaw sa aking isipan at tumatagos sa aking puso para makalimutan ng aking katauhan ay isinasalin ko sa tenta ng damdamin sa panulat at hinuhubog ang larawan sa papel bilang pagpunit ng mga pangyayari na ayaw na magbalik sa aking kabuuan.
Halaw talaga, isang pagsira sa reputasyon ng pagiging kristiyanong katayuan ang nagpapalaganap. Ang mainit ng pananampalataya ay may malamig palang nakatago sa kaloob looban na sa kahit anong sandali ay maaaring sumabog o sumingaw. Presto, ang halaw ng mga pangyayari ay naganap, ang malinis ng katauhan na patuloy pang nilalabhan ng pag ibig ng maykapal ay nabahiran ng duming sa tana ng buhay ay din a matatanggal. Nakakalungkot, ang kalinisang dapat ingatan(kalinisan ng katawan, espirito, puso at isipan) ay dinungisan ng mantsa ng kamunduhan. Na ang pag-iisahin ng awa ng Diyos muna dapat, sa kinatatayuang kamusmusan ay namayani ang mga laman sa pagtampisaw sa kasalanan. Siya pa naman ay binibining kristiyano. Natangay ng agos ng apoy ng nilalang na nahulog sa kadiliman na siya dapat na humila patungo sa tunay na liwanag na kinalalagyan. May isip ka pa ba kaibigan. Gumising ka kapatid. Nakakahiya. Kung may hiya ka pa sa iyong sarili, sa Diyos?

Ang Pagsulat


Ang Pagsulat
08-0507
 "Kayganda pala ng mga akdang mga nagawa na
Matapos mabasang muli at napagbulay bulay isa isa. "
           
           Sa mga ginagawa, di naaalis sa isipan kung ano nga ba dapat na hakbangin. Sa pag iisa ay pinipilit na inilalabas ang laman ng damdamin sa pamamagitan ng pagsulat. Pagsulat kung saan itinatala ang mga emosyon narito sa loob at nararanasan sa buhay.
            Di man kagalingan, ni di pa nabibigyan ng pagkakataon maging isang manunulat sa panulatan pero natatanong siguro sa mga babasa o makakabasa sa mga akdang ito ay masasabi naming dir in kapangitan o kagandahan ang laman nito. Di na matandaan pa kung kelan nag umpisa maudyukan gawin ang mga bagay na ito. Ni wala man akdang naiilathala. Eh parang nagsasayang lang ng papel at lapis na ginagamit rito. Eh wala ni manlang napapala sa pinaggagawa na pag yari na ay iyon nakatambak nalang sa tabi.
            Sa piling ng lingcod ay ang pagsulat na ito ay nakakahatid ng malaking epekto sa pagkatao. Tumutulong ito ng maraming bagay para mahubog ang tunay na ako. Basta sulat nalang ng sulat kahit walang ideya. Basta lang mailabas ang binubugso ng damdamin patuloy na pumupuno sa kalooban. Eto ako para maitala ang ako at maramdaman na lamang sa pagkabasa sa mga ito. Kelan nagumpisa magsulat? Tanong na pumasok sa isipan. Sa pagkakaalala ay nadiskubre ito unang taon ng kolehiyo. Pero labis na kinagiliwan gumawa at maglaan na ng panahon sa sumunod na taon at gawin nalang paraan para sa nararamdaman. Nag udyok dito ang isang guro sa Pilipino na nagustuhan din ang ginawang tula at namangha sa parehang mga huling mga tunog ng bawat mga taludtod. Pero labis rito ay ang emosyon sa loob habang nag iisip at tuliro na sa buhay.
            Nagging malaking replekto ito sa buhay na nagging panghele na ito sa oras na walang mang magawa. Iton bang sariling damdamin na ang nagiging mukha nitong mga akdang mga ito.
            Dahil rito ay gumagaan ang kalooban. Oo at di ito masyadong nabibigyan ng pansin di gaya ng iba pero sa puso ay higit pa ito kung sususriing mabuti.
Di man pinapangarap na maging tulad ng mga henyo gaya nina Rizal na lahat ng akda ay kilala san man lugar at binigyan ng mga parangal. Di man tulad ng iba ay pagkatapos sumulat ay agad agad nailalathala ang mga gawa pero di pa rin nagsasawa at di magsasawa at patuloy pa rin itong gagawin. Magsulat ng magsulat hanggang sa paglipas ng lahat, ito maglalahad ng nakaraang kasaysayan.


Tuesday, August 14, 2012

IsA (1)


Salamat sa Isang taon. Isang taong pung puno n gala ala na sa isang panghabampanahon na ito aking maitatago. Mula sa akin, isang taong naghahanap ng pagmamahal natagpuan ang isang tulad mong oh anong ganda aking prinsesa. Dating mga magkaiba ngayon sa pag-ibig ay pinag-isa. May iisang pintig na nadarama na kahit sa anumang pag-subok na dumating ay heto ay lumalaban at sa kapalaran umaasa. Sa kahit na anumang bagay na di pinagkakaunawaan, awayan, at sa kalungkutan isa lamang ang nagiging katugunan at kaayusan ang pagmamahalan. Ikaw ang nag-iisa sa buhay ko na nakipag-isa sa dito. Salamat at sa kalungkutan at madilim na bahagi ng aking nakaraan merong isang ikaw na naging liwanag at naghatid ng maliligayang sandali at panibagong hakbang sa kasalukuyan. Hiling ko lang n asana sa kahit isang saglit lang na hatid ay isang matinding kasiyahan na balik sa puso. Na sana sa pag-lipas ng isang Segundo, ako ay maalala mo. Na sa pagikot ng isa ni sandali nadarama ang pag-ibig ko. Na sana di lang sa isang taon na ito, at hanggang sa lumipas ang isang minuto, ang isang oras, ni ang isang araw… hanggang sa isang lingo o isang buwan… naway patnubayan tayo ng pag isang habambuhay na pagmamahalan at pagsasamahan.