Pages

Wednesday, May 2, 2012

Aral sa Buhay


Magandang pagmasdan sa umagang makapangyarihan
Sa sinag ng araw ay may ngiting sa buhay masisilayan
Sa duyan ng kaligayan ay salubungin na tunay
Nang ang buong maghapon ay walang lumbay
Sa agos ng panahon ay sumunod lamang ng tuluyan
Ng di mahirapan sa lahat ng daraanan
Sa agos ng pag asa ay isapuso patungong paraiso
Dahil tiyak sa takdang panahon pangarap matatamo
Sa impyerno na nasa paligid basta wag lang ni paapekto
Kung may problema ay ok lang, patunay na ikay tao
Sa lahat na mga iyan na panghihina ditto  sa mundong ito
Ay may katumbas na solusyon, nagbibigay aral sa iyo
Sa daraanan talaga natin, nariyan ay mga palaso at sibat
Harang sa pag unlad, tagahasa ng talinong salat na salat
Minsan naiisip nating ang pagsuko at lahat ay di na kaya
Pero wala ka matatamo, kung wala ka ni pagtitiyaga
Pero dapat ka ring magpahinga, wag iyong sabak ng sabak
Dahil kapag pagod ay ang pag iisip wala sa katuwiran
Laging manatili sa maayos at payapang katinuan
Nng walang sagabal sa daan ng kasaganaan
Ngiti lang ngiti lang, hanggang ang lahat ay maging ok
Wag masyadong mag iisip, kayang kaya iyan oh pare
Pag nadapa ka ay wag kalimutan ang pagtayo
Nang di ka mahuli sa biyaheng patungo sa asenso
Sa saliw ng musika sayaw lang ng sayaw
Sa indak ng tugtugin, matutong sumunod sa  galaw
Sa himig ng trumpeta ay sumabay lang ng sumabay
Maging payapa at tanggalin ang lumbay sa buhay
Hanggang may panahon pa ituwid ang sarili
Nang sa huli ay wala sa isip ang pagsisisi
Nasa puso lang ang nasa sa ikakabuti
Lumipad lumipad, wag lagi umasa sa pisi
Iwagayway ang pakpak para sa pangarap
Tiyak makakamit ang tamis na nilalasap

Aral sa Buhay-svj

No comments:

Post a Comment