Pinakahihintay
Isang taon na rin sa banyagang bansa. Nakalimutan narin ang
paligid ng bansang iniwanan. Isang taon pa ang panahon na pagtitiyagaan bago
masabing, oh aking lupang sinilangan ako na ay papariyan. Kasabay habang
sinasambit ang pasasalamat sa dakilang maykapal.
Heto ako, habang nakaupo… mabilis na gumagana ang isip na
para bang gulong na tuloy tuloy ang bilis ng pag ikot. Di maunawaan, di
maintindihan kung ano nga ba talaga ang nais na malaman. Pipiliting pumikit,
tatalikod mula sa pagkahilata…hay ang sakit ng ulo. Sabay ang pintig ng puso at
bumabanggit ang isipan… nauuwi na ako. Sabay ang paliwanag ng hinagap… ang
sarap ng buhay sa pilipinas, ang sarap ng Malaya, ang sarap ng maging maligaya
kasama ang pamilya. Pagkatapos ay napapabulong sa sarili… gusto ko magpahinga,
pagod na ako sa buhay. Di mababayaran ng malaking sahod ang relax na inaasam
asam. At sa paghinto ng lahat ay may nginig na nararamdaman ang sa buong
katawan na tila ba gusting sabihing oo sa pagsang ayun.
Di naman ako nangangarap na maging napakayaman, hiling lang
magkaroon ng normal at simpleng buhay. Magmamahal at mamumuhay ng tahimik at
maligaya. Kasama siyang minamahal na wala mang kasiguraduhan ang pagsasama. Ang
walang iniisip na problema sa trabaho at mga kasama, ang maramdamang sa kahit
anong oras gumalaw ay walang mangingialam sa sarili at laging ang lahat ng
bagay ay para sa ikabubuti.
Ang sarap mangarap
talaga sa buhay. Ang sarap isiping bukas ay uuwi na at sasambiting maligayang
pagbabalik. Pero Malabo pa ang lahat. At ito patuloy pa rin na mangangarap,
patuloy na maghihintay lumipas ang mga araw, at patuloy at magtitiis hanggang
sa dumating ang araw na pinakakahintay. Darating ang pagkakataong oo, pauwi na
ako. Oo at uuwi na ako. Mabilis lang ikot ng panahon. Di man namamalayan at
hayon narito na ang araw na pinakakahintay. Ang araw na inaasam asam.
20120423svj
No comments:
Post a Comment