Pages

Saturday, March 31, 2012

Dumi


Dumi
tula

Sinong ka nga bang nagmamalinis linisan
Basura ka pala ng sandaigdigan
Sa lahat ay wala ka bang kahihiyan
Dumi pa hanggang sa iyong kalooban

Ano at presentable ka namang tingnan
Kaaya aya ni ayaw ka man ni madungisan
Yun pala ay mantsado ka ng sanlibutan
Alagad ka pala ng diyos ng kamunduhan

Parang ang hirap isipin at tanggapin
Gulo ang hatid at sa lahat  ay umaalipin
Sa karamihan oh ayun ay napaibig mandin
Masakit, oh nakakadurog ng damdamin

Sayang lamang inukol na panahon
Panahong sana ay sumamba sa Diyos na Poon
Diyos ng nakaraan, ngayon at kinabukasan
Diyos na tagapagligtas at likas na makapangyarihan


Dumi (Halaw)

Lumilipad ang isipan, nag-iisip ng malalim at makahulugan. Napapikit ang mga mata at sabay tingin sa kalangitan pagmulat. Hay, kayhirap talaga alisin sa mga isipan ang mga kalunos-lunos na mga pangyayari nagaganap sa daigdig. Mga gawang makalaman na di kalugod lugod sa isipan ng lahat lalo na sa Diyos na maylalang. Nakakagimbal, halaw sa aking isipan at tumatagos sa aking puso para makalimutan ng aking katauhan ay isinasalin ko sa tenta ng damdamin sa panulat at hinuhubog ang larawan sa papel bilang pagpunit ng mga pangyayari na ayaw na magbalik sa aking kabuuan.
Halaw talaga, isang pagsira sa reputasyon ng pagiging kristiyanong katayuan ang nagpapalaganap. Ang mainit ng pananampalataya ay may malamig palang nakatago sa kaloob looban na sa kahit anong sandali ay maaaring sumabog o sumingaw. Presto, ang halaw ng mga pangyayari ay naganap, ang malinis ng katauhan na patuloy pang nilalabhan ng pag ibig ng maykapal ay nabahiran ng duming sa tana ng buhay ay din a matatanggal. Nakakalungkot, ang kalinisang dapat ingatan(kalinisan ng katawan, espirito, puso at isipan) ay dinungisan ng mantsa ng kamunduhan. Na ang pag-iisahin ng awa ng Diyos muna dapat, sa kinatatayuang kamusmusan ay namayani ang mga laman sa pagtampisaw sa kasalanan. Siya pa naman ay binibining kristiyano. Natangay ng agos ng apoy ng nilalang na nahulog sa kadiliman na siya dapat na humila patungo sa tunay na liwanag na kinalalagyan. May isip ka pa ba kaibigan. Gumising ka kapatid. Nakakahiya. Kung may hiya ka pa sa iyong sarili, sa Diyos?

No comments:

Post a Comment