Pages

Monday, January 30, 2012

Sinta

boses mo hatid ay musika sa aking tenga
na para bang ako ay lumilipad sa ligaya
tila nakaapak sa ulap aking mga paa
hindi magagawang kahit saglit ay magsasawa

ito ba ang hatid ng damdaming pag ibig
ano bat oh kay bilis nitong kalabog ng aking dibdib
biglang lumilitaw sa aking isipan ngiting kaytamis
na parang nagsasabing nais malasap matamis na halik

siguro nga iniisp mo ang lahat ng ito ay pambobola
pero kung bola man ito ay bola na sa puso nagmula
na umiindak indak sa alapaap ng ligaya
ng ikaw ay makita tila bagang bukas ay wala na

kaya sa lamig ng gabi ay yakap mo naaalala
na nagpapainit sa katawan kong binalot ng pagdurusa
sa isang halik mo lang pawi na ang lahat bigla
masasabing maliwanag na at payapa ang umaga
dahil sa iyo oh aking iniirog sinisinta
dahil sa iyo oh sa aking buhay siyang prinsesa
ng dahil sa iyo na ikaw natatangi at nag iisa
ang pangarap sa walang hanggan ay siyang kasama
1016pm 013012

Monday, January 9, 2012

Kamatayan

For to me to live is in Christ, and to die is gain.-Philippians 1:21 
(My One Desire is to be with you My Lord)


Kamatayan, isang salitang kinakatakotan ng ilan pero isang kaganapan ng kaligayahan sa karamihan. Alam ko naman na ang lahat ay ito ang pupuntahan. Alam ko namang ang lahat ng bagay sa mundong ito ay pansamantala lamang. Gaya nga ng sabi… ang lahat ay nanggaling sa alabok at sa alabok din ang patutunguhan.

Pero sa lahat ng mga ito na alam natin na tayo ay magwawakas… natanong ba natin sa ating sarili kung bakit pa tayo nabubuhay sa mundong ito. Bakit pa tayong nananatili sa mundong ibabaw. Alam naman ng bawat isa kung ano ang buhay na nararanasan…kahirapan, kaguluhan, at araw araw na pakikipaglaban para mabuhay. Hindi nga ba minsan naiisip natin na ayaw na naman tumayo, ayaw ng makipagsapalaran at ayaw ng makipaglaban…pero ano nga ba ang magagawa… ayun at naghihintay nalang kung ano ang kahihinatnan sa araw araw. Hinihintay nalang na matapos ang bawat araw. Pano kaya kung maranasan natin ang mga nangyayari sa iba.. yung tipong wala ng makain, yung tipong maski sa tubig ay wala ni mainom at hinihintay nalang na bumigay ang kawawang katawan at mamatay nalang. Ang hirap noh…kaya mas maswerte pa nga tayo at lubos na magpasalamat dahil nakakain natin ang gusto… nabibili ang lahat ng naisin. Kaya habang humihinga mag enjoy lang, habang nag eenjoy ay magpasalamat. Magpasalamat sa dakilang lumikha at alamin ang dahilan kung bakit heto at narito parin, heto at buhay.

Sa pagpikit ng aking mga mata habang nakikinig ng kantang one desire napabuntong hininga ng malalim sabay bulwak ng isipan ang maraming emosyon at unti unti parang pigil ang pagtibok ng puso sabay ang hiningang unti unti ring napapatid. Sa kunting katahimikan maraming mga pangyayari ang isa isang lumilitaw sa idipan na di ko lubos na maintindihan. At nararamdaman ng lubos na kalungkutan at pagkalma ng nararamdaman sabay ang unti unti pag agos ng luha sa mga mata. Naalala bigla ang mga mahal sa buhay na nagging bahagi ng aking pagkatao. Ang lolo at lola ko sa aking ina, ang lola ko sa aking ama, ang kapatid ng aking mama na sa kahit ganun ang sitwasyong nasa di maayos na katinuan ay naghatid ng malaking bugso sa aking buhay, mga kapatid ng aking ama at mga kaibigan. Unti unting lumalabas na para bang nanonood ng pelikula nung mga panahong sila ay mga kasama pa na kitang kita ang ngiti sa kanilang mga mata na naghahatid ng masayang umaga. Saka biglang nanlamig ang buong katawan sabay ang pagtayo ng mga balahibo sa balat ng di inaasahan na para bang yumayakap sakin at nagpapahiwatig ng di ko malaman. Sa malayong lugar na kinaroroonan ay nagpapakita sa aking isipan isa isa ang aking mga magulang at mga kapatid… ama at mama, evelyn Jocelyn Christian joy at rose ann na nakangiti sakin. Biglang nanikip ang dibdib na parang sinusubukang di huminga ng sa ilang sandali ay biglang habol sa hininga. Biglang lumitaw sa isipan ang katanungan pano kaya ako sa kamatayan? Asan ako? Anong ginagawa ko at ang pinakamatinding tanong ay handa na ba akong mamatay? Bumigat ang kaloobang di ko man lang masagot sabaya balik muli sa umpisa bakit nga ba ako buhay pa.. bakit nga ba ako naririto at ano pa ang halaga na akoy nananatiling humihinga. Bakit nga ba ako masaya? At biglang lumitaw ang isang ikaw na anyo na sa akin ay nakangiti. Basta ang alam ko may dahilan at ako ay naririto…may dahilan ako para lumaban… may dahilan pa para maging masaya… nananampalataya ako sayo panginoon.


Tuesday, January 3, 2012

Bagong taoN










Bagong taon

Ingay ng kalampagan, gising ang lahat sa mga putukan

Kaygandang pagmasdan ang kalangitan

sa kinang na dulot ng mga fireworks sa kaitaasan

hinipan na ang turutot, sadyang makapagdudulot ng ingay sa buong sandaigdigan

mula sa nakakabinging katahimikan ay nagsasabing heto na at bagong taon na

isang pagtatapos na tanda ng isa na naming panimula.























Pag-ibig, oh Pasko na


Pag-ibig, oh Pasko na

Sa pagtatapos ng taong, mabilis na dumaan
Simoy ng disyembreng, ang sa bawat isa ay hinahangad
Pero sa piling ng abang lingcod iba ang lahad
Nadudurog ang puso, sawi ang puso ng salat

May ngiti sa mukha ang sa lahat nakikita
Ipagdiriwang na ang paskong, inasam ng makalima
Isa ay para ang lahat sama sama maipadarama
Ang pag ibig at pagpupuri, pagsilang ng nag-iisa
Na sa buhay siya ang tanging sinasamba
Itaas ang tagapagligtas na dumating sa lupa

Pinaghandaang mabuti, ang araw na pinakahihintay
Ngunit ang sa may akda ay panlulumong walang humpay
Inilabas na at iniayos ang mga parol at ilawan
Na sa gabi ay hatid marikit at kaligayahan
Mula sa baol ay ang tahanan, matiyagang pinalamutian
Ngunit ang sa pag-iibigan ay naroon sa kadiliman
Hiling n asana ay mahal, makasama sa kasiyahan
Akayin oh sinta yayakapin ng mahigpit sa tuwina
Sabay na pagsasaluhan ang gabing nilimot n gala ala

Alam ko na sa pagkakataong ito ay lubos na naiiba
Sa selebrasyong ito ngayon kumpara sa naganap na
Dahil ang bituwin ng buhay ay ikaw natagpuan na
Ipagsisigawan sa mundong mahal na mahal kita
Ikaw oh ikaw, ang sa piling siyang mahalaga
Habang sinasambit ng kalooban… Pag-ibig, oh pasko na.

Kapalaran

Kapalaran

Pagkagising sa umaga ay mayroong ngiti nakaguhit sa mukha

Dahil panibagong buhay ang bigay sa aba ng maylikha

Buong pusong nagpapasalamat, buong pusong may galak at tuwa.

Isang bagong pakikipagsapalaran, punong puno ng ligaya

Heto na ang buhay, gumugulong na ang kapalaran.

Di malaman ang mangyayari, kung ano nga ba ang kahihinatnan

May siguradong sagot yan ay sa panginoon lang humahawak

Pagkat di tayo iiwan man ni pabayaan man, sabi nya sa lahat.

Baybayin


                                                                     (Gawa ko lang)

Ako ay Pilipino sa isip at sa salita
saan man mapunta lagi kong dala dala
ito ay ating ipagbunyi ang sariling atin
ating aralin at laging alalahanin
Baybayin... ipagmalaki natin


Baybayin (pre-kudlit: ᜊᜊᜌᜒ, post-kudlit: ᜊᜌ᜔ᜊᜌᜒᜈ᜔) (known in Unicode as Tagalog script; see below), is a pre-Spanish Philippine writing system. It is a member of the Brahmic family and is recorded as being in use in the 16th century. It continued to be used during the Spanish colonization of the Philippines up until the late 19th Century.
The term Baybay literally means "to spell" in Tagalog. Baybayin was extensively documented by the Spanish. Some have attributed it the name Alibata, but this name is incorrect. (The term "Alibata" was coined by Paul Rodríguez Verzosa after the arrangement of letters of the Arabic alphabet alif, ba, ta (alibata), “f” having been eliminated for euphony's sake." )
Modern scripts in the Philippines, descended from Baybayin, are Hanunó'o, Buhid, Tagbanwa and Kapampangan script.
Baybayin is one of a dozen or so individual writing systems used in Southeast Asia, nearly all of which are abugidaswhere any consonant is pronounced with the inherent vowel a following it— diacritical marks being used to express other vowels (this vowel occurs with greatest frequency in Sanskrit, and also probably in all Philippine languages). 
Para sa mahabang paliwanag buksan ang Link. http://en.wikipedia.org/wiki/Baybayin 
Para sa halimbawa. ito naman ang Link ng Translator http://baybayintranslator.com/
               Baybayin vowels and consonants