Wala namang perpektong relasyon dahil wala naman perpektong tao. Mga linyang laging lumalabas sa aking isipan sa tuwing mayroong di pagkakaunawaan, mga di pagkakasunduan at nagkakaroon ng tampuhan. Masasabi kong itoy nagiging paraan ng likas sa isang tao… ang patuloy na paglago at kasabikan sa katalinuhan(sabik sa aral). Atleast kahit na di perpekto ay sinusubukan ang sariling gawing maayos at tama ang lahat kaso dumadating talaga ang puntong magkamali. Siguro sa pagkakataong ito dumadating ang punto ring iniisip mo n asana di nalang siya ang pinili, di nalang siya ang minahal at di nalang siya nakilala pa. gayun din ang sana ganito nalang ang napili ko, sana ganun nalang. Kaya pasensya na di ako ang kagaya nila… ganito na ang pagkakilala sa aba. Kaya walang magagawa. Basta ang di nag iba… ang nararamdaman ay iisa at natatangi lamang… ang mahal ka, minahal ka at siyang mamahalin. Pero kung di na masaya ay ok lang… kaw naman ang may karapatang magdesisyon at hawak mo ang pagkakataong pumili… at ako man na nagmamahal sa ikaaayos at ikaliligaya mo ay bukas palad na magpapalaya. Dahil di na matatawag na pag ibig kung isang tao lang ang umiibig. Mahirap kasing pilitin ang isang tao na wala ng nararamdaman para sa isat isa. Wala na ang sinasabi nilang magic o hiwaga na sa nagmamahalan lamang nagmumula. Naniniwala naman ako… na kahit magkahiwalay kayo… at sa darating na panahon kayo ay magkitang muli… masasabi kong kung kayo talaga sa isat isa… kayo talga. At tadhana nga ang gagawa ng paraan sabi nga nila para paglapitin kayong dalawa. Ang pag ibig naman kasi ay yung tipong di sa gulo, ito ay para sa mga taong nagkakaroon ng atraksiyon sa isat isa, may kilig, may saya at may kasama sabay sa pagharap sa bukas ng may iisang pangarap sa landas ng pag iisa at malayo sa pamilya. Ang katuwang at siyang umuunawa sa isat isa.
No comments:
Post a Comment