Pages

Sunday, July 24, 2011

Oda sa mga Manunulat


Nakakamangha oh agtatanong kung ako nga ba ang sumulat ng mga akdang narito. Kung basahing mabuti o siyang maganda parang wala naman akong ideya na ganito. Natatangi ngang obra siyang kasaysayan ang lahad. Diko lubos matanto, gawa nga ba talaga ito ni Serapio?.
            Wow. Galing naman puri sa sarili ng may ngiti. Diko malaman kung saan hinugot mga salitang sa isip pinili. Siguro nga minsan ay ang modo ay sobrang nagiging senti, kaya iyan resulta ay akdang oh talagang nakakabighani.
            Kaya ngayon saludo ako sa mga pusong pasyon ay nasa panulat. Oh napakahusay, naiiba kayo sa lahat. Ipagpatuloy lang iyan mga kaibigan mula sa puso ko ay lahad. Kulang sa salitang kayo’y bigyan ng masigabong parangal. Panahon man ay dadaan pero sigurado ako akda ay di lilipas, sasalin sa panibagong usbong na mga nilalang sa hinaharap.


Note: Ang Oda ay nagpapahayag ng isang pagpuri, pananaghoy o iba pang masiglang damdamin. Ito ay may malayang taludturan. http://www.mapiles.com/forum/panitikan-at-wika/ano-ang-kahulugan-ng-oda/

No comments:

Post a Comment