Pages

Thursday, July 14, 2011

Ala-ala



ALA-ALA

Mula ng maramdaman ang pag ibig na akalay wala ng hanggan
Sinabi sa sariling ito ay panghabangbuhay at siya na lang
Di inaasahan biglang bigla ay ikaw mahal nawala nalang
Ang siglang hatid, ngayon naiwang sawi at lugmok sa kalungkutan

Oh kayhirap tanggaping gayun na lang ang pangyayari
Sari saring pag sisisi ang ginagawa sa buhay pagkataong sawi
Nagtatanong sa sariling ano nga ba ang nagawang di mabuti
Ano nga ba ang gagawin n gang nadaramang sakit ay mapawi?

Gulong gulo ang isipan, itong lito ang sa nararamdaman
Pilit mang balikan ang nakaraan, di malaman ang pagkakamali kung nasaan
Pilit mang alalahanin ang pangyayari, alam sa sarili di siya nasaktan
Bakit ganun nalang ginawa mo, parang wala naman tayong pinagsamahan

Kaya ngayon ay ayon lumimot na lang at sa bukas ay magpursige
Hanggang sa maging ganap ang nadarama ay tunay at kapuri puri
May sakit man pero ito talga ang nakakabuti
Sabay ang kahilingang sana minsan matanong ka kung bakit ini.

Bahagi ka ng buhay na kailanman ay hindi mapapawi
Kahit ang minamahal ay narito na ikaw ay mananatili
Maalala nalang na minsan may minahal na ikaw.
Na maitatago sa baol ng puso, magpakailanman

Minsan talaga sa buhay dumadating ang punto na akala na natin pangwalang hanggan na. masaya ka, masaya siya, masaya ang lahat. Pero sa isang iglap may pagsubok na kakaharapin. Pagsubok na anong sakit ang hatid na kulang nalang isumpa siya dahil di malaman kung bakit siya ay mang iiwan. Napapatanong ka tuloy sa sarili ano ang nagawang kamalian, kaya kung wala naman o kayhirap talagang bumangon at tuluyang kalimutan. Nagiging sa araw araw ay palaisipan at nasasabi pang muntik pang masira ang buhay. Pero kahit na ganito man kailangan ang tumayo at magsimulang muli, paghahandaan ang pag krukrus ng landas at masasabi sa sarili kahit nawala ka, ako pa rin ay naging okey.



No comments:

Post a Comment