Pages

Monday, June 27, 2011

For to me to live is Christ, and to die is gain.-Philippians 1:21

Sapagkat para sa akin si Kristo ang buhay at dahil ditto ay pakinabang ang kamatayan.
(For to me to live is Christ, and to die is gain.-Philippians 1:21)
Siguro lagi nalang tinatanong sa sarili bakit ako nabubuhay sa mundong ito? Anong halaga at ditoy nabubuhay ako? Kanino pa ako nabubuhay? At sobrang daming katanungan na gumugulo sa isipan na kung saan oh kay hirap naming sagutin at di lubos maunawaan ng limitadong isipan.
Ang mabuhay sa mundong ito ay di natin hawak, di natin malaman, at di natin maunawaan. Na kung saan tayo ay humihinga, nagsasalita nakakapag isip nakakagalaw at malayang ginagawa ang mga bagay bagay na sa mundong ibabaw na ito ay nagaganap. Di ba oh kay hirap mabuhay ngayon sa dahilang mahirap magtrabaho, mahal mga bilihin magulo, nasasaktan nalulungkot, at minsan pa nawawalan nan g pag asa.
Ang mabuhay ay kay Cristo, at ang pagkamatay ay pakinabang. Isang napakahalagang talinghaga na lagi laman ng aking isipan na sa tuwing nababasa o naririnig man lang ay nagkakaroon ng kirot ang aking puso na nagpapaalala sa malapit na kakilala, malapit na kaibigan, malapit na kapatid sa panginoon… ang butihing pastor na malaki ang tulong sa paghubog ng aking pagkatao, paglago ng pananampalataya at naghatid ng pananaw sa buhay na ang mabuhay ay may halaga, may pag asa at malaki ang gagawin pa kaya hetot patuloy na lumalaban, tumatayo at patuloy na sumusuong sa mga pagsubok ng sanlibutan. Ganun na lang ang pagsaludo ko sa pastor na ito na kung saan ng una kong nakilala ay normal lamang na nilalang, na mayroong simpleng pamumuhay at pagtyagang lagging bumabyahe makapunta lamang sa gaganaping bs (bible study, tawag ditto sa Saudi Arabia) at maikalat ang mabuting balita. Hindi pumapalya at lagi sa kanyang turo ay mayroong aral sa buhay na natutunan (pero kung minsan wala sa focus at di man nakikinig) pero hayon at may ngiti pa ring maaaninag sa kanyang mukha. Alam mo yung turo na pinapalo ka na nga eh masaya ka pa dahil sa panibagong natutunang panghahawakan mo sa panghabang buhay. Hanggang sa nalaman ko na lamang siya pala ay may malubhang karamdaman na pinagdadaanan at nilalabanan.
Di man makapaniwala dahil di man kasi batid sa kanyang hitsura, pero sa loob loob ng pagkabigla ng aking pagkatao ay naroon ang puspos na pagsaludo at paghanga sa puso ng taong ito. Dumating nga sa puntong maging sa pagtulog ay napapaisip at nagtatanong kung bakit ang taong iyon ay ganun nalang an pagpursige sa ginagawa. Nawiwika nalang sa sariling kung suot ang sapatos nya ay anong mga bagay bagay ang dapat gawin, ang dapat mapuntahan ni dapat maranasan. Ang tipong anong mga bagay pa ang nais na pagtuunan ng pansin sa nalalabing panahon na paglagi sa mundong ito. Pero sa pagtitig na kanyang mga mata ay naroon ang pasyon para sa salita ng Diyos, pasyon para kay Kristo, pasyon na maikalat ang mabuting balita at pasyon ng kaligayahang di mapapantayan sa tana ng buhay.
Di ko man alam kung anong buhay ang nranasan nito hanggang sa maabot ang edad ng makilala ko pero ang tanging masasabi ko lamang ay naiiba sya sa lahat ng mga nilalang na nakasama ng ganung mahabang panahon. Nakakasiguro akong sa mga katangiang nakita ko sa kanya na di kayang ipaliwanag sa panulat na ito, na narito nakatala sa puso at isipan ko ay ganun din ang impact na hatid niya sa kapamilya, nakasama at mga naturuang tulad ko na muling nanumbalik sa palad ni Kristo. Na sa nalabing panahon niya ay ginawa nya ang misyong nakakalugod sa dakilang lumkha.
At gayon na lang sa pagdaan ng mga araw ay tanging si Kristo lang ang pinupuri at sinasamba at ang pagpanaw nya ay pakinabang ang hatid na aral sa akin,at  sa lahat ng kanyang mga kakilala. Hanggang sa kanyang pagpanaw ay nakakasiguro akong may matamis na ngiti paring sinasambit nya na naganap na ang kanyang misyon sa daigdig na ito, naganap na ang pakinabang na paglagi nya para kay Kristo.
Diko man maipaliwanag na sa mahabang panahon na ang lumipas at malayong lugar na kinalalagyan ay gayon na lang ang pagsagi sa isipan ko sa gabing ito. Iyong tipong di ko maunawaan ang nais iparating pero alam ko may panibagong aral na nais nyang sa akin ituro. Ang tanging masasambit na lang ay salamat. Alam ko naman na ang lahat ay mamamaalam din sa mundong ito, na sa 24 taong pamamalagi sa mudong ito ng may halo halong mga attitude na napagdaanan, sa masama at sa mabuti ay alam ko may gagawin pang lubos na mahalagi kesa ang magtrabaho, kumita na magbibigay ng lubos na ligaya at sayang na masasabing kong puspos. Ang tunay na kaligayahan na kay Kristo lamang matatagpuan, na ang mabuhay nga ay sa kanya lamang.
-Serapio de Jesus
Kaibigan\\\

No comments:

Post a Comment