Pages

Friday, January 25, 2013

Diyosa sa Buhanginan



Diyosa sa Buhanginan

Sige sige, maglakbay maglakbay hanggang sa duluhan
Libutin ang kabuuan niyang mundo nang kahiwagahan
Sige ibuhos ang likido nang kasiyahan, hanggang maduyan
Halina halina, oh mga kaibigan atin nang ipagdiwang

Sa paraisong naghahalo ang ligaya at kalungkutan
Para narin pinagsama ang ulan sa kainitan
Sa kadina nagpupumiglas makalaya unting sandal manlang
Makita mayakap ang irog bayang tinubuan mahal

Sa pagtunog ng trumpeta, mananalangin ang mga banal
Oo ang mga demonyo ay sadya talagang nagpapakahangal
Sa katamaran niyan lagi nalang atungal nang atungal
Nganganga nganga, nakaabang lang ang halimaw

May isang bulaklak akong nakita aking natagpuan
Sa matinik na kagubatan oh ito aking napagmasdan
Sa haba haba ng pinuntahan sa lahat ng kaganapan
Sadyang mahiwaga oh siyang dakilang nilalang

Ano k aba hirang oh dyosa sa malawak buhanginan
Sa init nitong lugar ay may marikit na kapaligiran
Ay mayroon isang ikaw kabigha bighani sa kadalagahan
Anong bilis ng pintig ng puso tila sa alapaap nakaduyan

Sa malawak na buhanginan wala na ni matanaw
Sa mabatong kabundukan ay isipan ay ayon lutang
Sa buong kaharian namayani ang ibayong pagmamahal
Na nagdugtong sa di maipaliwanag na nararamdaman
Ning gustuhin nalang ang lumipad makarating pa roon
Sa malayong dako di malaman kung saan pa doon iyon
Pero sa pisi parin ay babalik konektado bukirin oh poon
Sa tutubi ay dadalhin ng hanging lakas dumadaluyong

Ang makaniig ka ay perpektong sandali sa buhay na ito
Para pagsaluhan ang kaligayang sa buhay nagpapakatotoo
Iduduyan sa tuwina, walang iisiping kaba’t anupamang gulo
Heto narito ang lingcod alipin na handing sumunod sayo

Anupamang hadlang na iyan ay susuungin ni matapang
Walang aatrasan na labanan, sa katawan man o isipan
Para sa damdaming hinubog ng nakaraan’t kinabukasan
Kasabay ng kapangyarihang agimat ng walang hanggan

Paggising sa umaga ay laging panibagong pag asa
Sa pagbangon mo ay siyang hatid mahiwagang kabanata
Na mayroong halong damdamin lungkot at saya
Haggang sa makamtan ang paraisong sa buhay ninanasa.

Picture: Al Mithnab Al Qassim Kingdom of Saudi Arabia
            http://maps.google.com.ph/maps?hl=en&q=mithnab%20qassim&bav=on.2,or.r_gc.r_pw.r_qf.&bvm=bv.41524429,d.d2k&biw=1366&bih=643&ie=UTF-8&sa=N&tab=il