Blog ng Ambisyosong Manunulat...

Total Pageviews

Wednesday, September 14, 2011

Ang Love Story



Ang love story


Bawat isa humihiling ng magandang love story
Yung tipong pangwalang hanggan at sobrang happy
Ako man nangangarap ng ganito oh lagi lagi
Pero natapos lang ng makilala ka oh binibini

Gaya ng…
Nariyan yung temang pang fairytale ang hatid
Gaya ni Cinderella at ang dakilang prince charming
Nariyan din yung pang kalikasan parang Tarzan at Jane
Pero napakasweet parin pagmaahalang Romeo at Juliet
Nariyan din iyong pang FPJ at Sharon lamang
Kahit konting pagtingin oh aking mahal
Nariyan iyong john Lloyd cruz at bea
Pang one more chance daw… ayon ang tema

Laging sinasabi nilang pagmamahalang nabuo sa batuhan
Sintatag ng bato rin raw iyan, oh walang makakahadlang
Pero para sa akin ay pag ibig na puso ang lumalang
Iyon tipong nagpapatibay ay sa tunay at sa katapatan.

Dati man nasabi na sa sariling, di man ni marunong na magmahal
Sa kadahilanang lagi na lamang lumayo at sa aba ay nang iiwan
Pero sa pagkakataong ito ay di malaman kung ano kahihinatnan
Gayun din kaya ang sa iyo, ang ako ay mag isa at masaktan

Puno ng pasasalamat na ikay natagpuan
Ang sa daigdig siyang pinakamagandang nilalang
Sabihin mo mang ito ay kasinungalingan
Puso ang nagsasabing ito ay ang katotohanan.
Sa layo nitong Arabia ay tayong dalawa ay pinagtagpo
Sa dami niyang tao ikaw ay nakilala ng oh abang lingcod mo
Sa buong mundo ay ikaw at ako ay nagkasundo
At nagkaroon ng pag ibig na tunay at totoo
Hiling na sana ay pagmamahalan ay di na magmamaliw
Ang pag ibig na alay sa akin, lagi sa awit may saliw
Sana nga pero di natin malaman, puso lamang nakaaalam
Sa maykapal nalang inihahatid ang kalahatan at kasagutan